^

PSN Palaro

Banayag sinuspindi ng PATAFA, sibak na sa RP team sa Asiad

- Ni AT -

MANILA, Philippines - Nabawasan pa ng isa ang Pambansang manlalarong tutulak sa Asian Games sa Guangzhou, China.

Si marathoner Jho-An Banayag ay hindi na ipadadala ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ma­tapos patawan ng anim na buwang sus­pensyon matapos ang paglahok sa Camsur Marathon noong Setyembre 24.

Tumapos sa ikaanim sa pangkala­hatan si Banayag sa bilis na 2:58:35 pero una siya sa hanay ng mga lahok ng bansa upang magkaroon din ng P125,000 gantimpala.

Pero kapalit naman nito ay ang kanyang puwesto sa national team at ang P15,000 buwanang allowances na na­tatanggap sa Philippine Sports Commission (PSC).

“Matapos ang pagpupulong ng mga coaching staff ay nagdesisyon kami na patawan siya ng six months suspension without allowances. May mga house rules ang mga NSAs at bilang isang national athlete ay dapat na sumusunod sila,” wika ni PATAFA president Go Teng Kok.

Pinagbabawalan si Banayag na tumak­bo dahil sa Nobyembre nga ay isusulong na ang Asian Games na kung saan makakasama niya si Eduardo Buenavista bilang ki­natawan ng Pilipinas sa marathon.

Hindi naman si Banayag ang unang marathoner ng PATAFA na nasuspindi dahil una nang sinampolan sina Christabel Martes at Crecenciano Sabal.

 Dahil dito naging pito na lamang ang panlaban ng PATAFA sa athletics at maliban kay Buenavista ay makakasama rin sina long jumpers Henry Dagmil at Marestella Torres, javelin throwers Danilo Fresnido at Rosie Villarito, hammer thrower Arniel Ferrera at steeplechaser Rene Herrera.

ARNIEL FERRERA

ASIAN GAMES

BANAYAG

CAMSUR MARATHON

CHRISTABEL MARTES

CRECENCIANO SABAL

DANILO FRESNIDO

EDUARDO BUENAVISTA

GO TENG KOK

HENRY DAGMIL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with