^

PSN Palaro

Bedans umukit ng kasaysayan via 16-0 sweep

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, hindi na pinakawalan ng Red Lions ang pagkakataon na makuha ang outright finals ticket.

Ito ay matapos talunin ng San Beda ang nagdede­pensang San Sebastian College-Recoletos, 90-82, para walisin ang double-round elimination at uma­bante sa championship se­ries ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.

Kumolekta si Garvo Lanete ng 23 points, habang may 23 points, 10 rebounds at 5 shotblocks si 6-foot-7 American import Sudan Daniel upang pagbidahan ang Mendiola-based cagers ni coach Frankie Lim kasunod ang 18 points, 6 boards at 5 assists ni pointguard Borgie Hermida, nakatakda nang maglaro sa 36th season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre.

Maglalaro naman sa ste­pladder phase ang San Sebastian, hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage bilang No. 2 team, No. 3 Jose Rizal University at No. 4 Mapua Institute of Technology.

Maglalaban ang Heavy Bombers ni Vergel Mene­ses at ang Cardinals ni Chito Victolero at ang mananalo ang siyang makakatagpo ng Stags ni Ato Agustin na dedetermina sa hahamon sa Red Lions sa championship series.

Tinapos ng San Beda ang kanilang kampanya sa eliminasyon mula sa kanilang malinis na 16-0 rekord kasunod ang San Sebastian (13-3), Jose Rizal (12-4) at Mapua (9-7).

Sa unang laro, binigo ng Heavy Bombers, 68-54, tampok ang tig-8 points nina Cameroonian John Njei at guard JR Bulangis sa third quarter.

“Either way we have to be ready on the next phase of the tournament,” sabi ni Meneses. “What’s important for us is to get some momentum heading towards the Final Four or the stepladder phase.

Nagbida si Fil-Am Nate Matute para sa Mandaluyong-based cagers mula sa kanyang 20 points.

Jose Rizal 68- Matute 20, Hayes 12, Njei 10, Bulangis 8, Apinan 6, Lopez 4, Almario 4, Montemayor 2, Dizon 2.

Mapua 54- Banal 12, Guillermo 11, Mangahas 10, Acosta 6, Pascual 5, Sarangay 4, Maniego 4, Cabrera 2.

Quarterscores: 11-20; 31-31; 51-48; 68-54.

San Beda 90- Lanete 23, Daniel 23, Hermida 18, J. Pascual 7, Marcelo 7, Caram 6, dela Rosa 4, Semerad 2.

San Sebastian 82- Raymundo 29, Abueva 17, Semira 11, Bulawan 10, del Rio 7, Sangalang 6, Gorospe 2.

Quarterscores: 15-15; 39-30; 66-60; 90-82.

ATO AGUSTIN

BORGIE HERMIDA

BULANGIS

CAMEROONIAN JOHN NJEI

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

RED LIONS

SAN

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with