40 Brazilian models tatakbo sa Blue Water Day Spa fun run
MANILA, Philippines - Kabuuang 40 Brazilian models ang lalahok sa Blue Water Day Spa fun run na nakatakda sa Oktubre 17 sa SM Mall of Asia grounds sa Pasay City.
Makakasama ng mga South American beauties ang ilan pang celebrities na kinabibilangan nina BWDS endorsers Sam Milby at Mika Lagdameo-Martinez sa naturang running event na inaasahang sasalihan ng halos 5,000 runners.
Tatakbo rin sina Karylle, Boom Labrusca, running coach Rio dela Cruz, Daniel Matsunaga at Fabio Ide.
Nakalatag naman sa 3k, 5k at 10k races ang mga cash prizes at gift items sa mga top finishers sa bawat kategorya, ayon sa nag-oorganisang Blue Water Day Spa at Event King Corp.
Patuloy ang pagpapatala, ang entry fee ay nagkakahalaga ng P500 (3k), P600 (5k) at P700 (10k) kasama na ang singlet, sa Timex outlets sa SM MOA, Glorietta, Rox sa Bonifacio High Street, Columbia sa Greenbelt 5, Rest Toe Run sa Gateway, Urban Luxe Facial Center and Spa sa Ayala Alabang at Blue Water Day Spa sa Makati, Ortigas, Eastwood, Tomas Morato at Capitol Hills.
Ang online list-up ay maaaring gawin sa www. BlueWaterDavSpaRun.com.
- Latest
- Trending