^

PSN Palaro

Boxing equipment nawasak sa lakas ng suntok ni Pacquiao

-

MANILA, Philippines - Maging ang mga aparatong pinagsasanayan ni Manny Pacquiao ay hindi kaya ang lakas ng mga suntok nito.

Nagsanay uli kahapon ang Pambansang kamao sa Elorde Boxing Gym sa Quezon City at sa tindi ng mga pi­nakawalang suntok ay halos nasira ang double-end bag at speed ball na ginamit niya..

Ang tali ng double-end bag ay malapit ng maputol dala marahil ng hirap na inabot sa mga malalakas na kamao ni Pacquiao.

Ganito rin ang halos na nangyari sa speed ball dahil lumuwag naman ang aparato sa pagkakascrew sa base nito. Kung hindi napansin ay tiyak na tumalsik ang speed ball at maaaring nakadisgrasya pa.

“Hindi kinaya ng equipment namin yung lakas niya,” sambit ng may-ari ng pasilidad na si Johnny Elorde.

Habang nagulat ang mga nakasaksi sa pangyayari, inihayag naman ni trainer Freddie Roach na hindi pa ito ang tunay na lakas ni Pacman dahil nga sa nagsisimula pa lamang sila sa kanilang pagsasanay.

“This is just 50 percent of Manny,” wika ni Roach.

Puspusan na ang paghahanda ni Pacquiao para sa laban nila ni Antonio Margarito dahil nakataya para sa Kongresista ng Sarangani Province ang ikawalong titulo sa magkakaibang dibisyon kung malusutan ang hamon ng katunggaling Mexicano.

Samantala, kumpiyansa si trainer Freddie Roach na magagaya nina Glen Tapia ng Dominican Republic at Michael Medina ng Mexico ang boxing style ni Antonio Margarito.

Ang 20-anyos na si Tapia ay nagtataglay ng isang malakas na right hand katulad ni Margarito, samantalang agresibo naman ang tipo ng 24-anyos na si Medina.

“Tapia has a big right hand like Margarito…so that why he’s here. Medina comes forward and puts pressure just like Margarito,” sabi ni Roach sa naturang dalawang sparring partners ni Manny Pacquiao.

Bitbit ni Tapia ang 7-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 7 KOs, habang dala naman ni Medina ang 24-2-2 (19 KOs) slate.

“These guys will certainly help Manny in his preparation against Antonio Margarito,” wika ni Roach kina Tapia at Medina na sasamahan rin nina Julio Cesar Chavez, Jr., Rashad Holloway at Vanes Martirosyan sa training camp sa Baguio City.

Pag-aagawan nina Pacquiao at Margarito ang bakanteng World Boxing Council (WBC) light middleweight crown sa Nobyembre 13 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. (Abac Cordero/Russell Cadayona)

ABAC CORDERO

ANTONIO MARGARITO

BAGUIO CITY

COWBOYS STADIUM

DOMINICAN REPUBLIC

ELORDE BOXING GYM

FREDDIE ROACH

MARGARITO

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with