Native warriors kumpiyansa sa paglahok sa Tribal Games
MANILA, Philippines - Wala silang formal training at hindi rin sila mga ordinaryong atleta.
Ngunit sa kanilang paglahok sa 1st Asean Indigenous Tribal Games sa Ranau Village, Sabah, Malaysia ay ang karangalan ng Pilipinas ang kanilang dadalhin.
“These are the grandfathers of the FIlipino tribes -- the Mangyans of Mindoro, the Aetas of Pampanga and the Dumagats of Sierra Madre. These are the best Filipinos in the tribal games,” sabi kahapon ni Col. Jeff Tamayo, pangulo ng Philippine Soft Tennis Association at board member ng Philippine Olympic Committee (POC), sa mga indigenous people na sasabak sa nasabing event sa Setyembre 15 at 16.
Matapos ang 2010 ang susunod na Asean Indigenous Tribal Games ang Pilipinas naman ang mamamahala sa malakihang Asean Tribal Games.
Humigit-kumulang sa 80 tribo sa Asean region ang inaasahan ni Tamayo na lalahok sa naturang event.
Ang mga atletang lalahok sa 1st Asean Indigenous Tribal Games sa Malaysia ay sina Arnulfo Bernardo, Reynaldo Panagsagan, Ryan Pacifico, Marlon Luna, Ricardo Turgo, June Ablong, Manalo Ablong, Dumlao Naval at Jimmy Ablong.
Tatayo namang coaches sina Conchita Consada, Jerry Manalo at Danilo Tecson.
Si Consada ay isang Dumagat tribal official, habang si Manalo ay isang educator mula sa Mamburao, Occidental Mindoro at si Tecson ay isang Aeta chieftain sa Mabalacat, Pampanga.
- Latest
- Trending