^

PSN Palaro

Desisyon ng NCFP 'di mababali kahit may nakaumang na demanda si Antonio

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi lalambot ang posisyon ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) patungkol sa pagpapatalsik kay GM Joey Antonio kahit nagpaplano ang manlalaro na magsampa ng demanda sa korte.

Ayon kay NCFP president Prospero Pichay, han­da niyang harapin kahit saang korte dumulog si Antonio dahil nasa tama ang ginawang aksyon ng National Sports Association sa chess.

Matatandaan na pina­talsik sa Pambansang ko­­ponan si Antonio nang hindi ito bumalik mula sa US para maglaro sa 1st Florencio Campomanes Memorial Cup. Nainis ang NCFP dahil nag-utos na sila sa lahat ng kasapi ng national chess team na lumaro alin­­man sa Pichay Cup o Campomanes Cup dahil ang dalawang malalaking torneong ito na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium ay kinatatampukan ng biga­ting GMs ng ibang bansa.

Pero mas pinili ni Antonio na maglaro sa weekend games sa US kaya’t napatalsik siya.

“They can sue me or the NCFP in all the courts of law if they want but the ban stays,” wika ni Pichay.

Tinawag ni Antonio na dumulog sa abogadong si Samuel Estimo, na mali ang desisyon dahil hindi siya nabigyan ng pagkaka­taon na maidepensa ang sarili sa mga akusasyon.

Ngunit nilinaw ni Pichay na ang mga NSAs ay may karapatan na magpataw ng kaparusahan sa mga manlalaro nito bilang disciplinary actions lalo na kung may ginawang mali sa alituntunin ng asosasyon.

Ang Campomanes Cup ay isinagawa bilang pagpupugay sa Filipino chess official na siyang na­muno sa asosasyon sa panahong muntik nang magwatak-watak ang mga miyembro nito.

Si International Master Richard Bitoon na ang hini­rang upang ipalit kay Antonio at makakasama nina GMs Wesley So, John Paul Gomez, Darwin Laylo at Eugene Torre sa World Chess Olympiad mula Sept. 21-Oct. 3 sa Khan­­ty-Mansiysk, Russia. 

ANG CAMPOMANES CUP

CAMPOMANES CUP

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

FLORENCIO CAMPOMANES MEMORIAL CUP

JOEY ANTONIO

JOHN PAUL GOMEZ

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

NATIONAL SPORTS ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with