STI giniba ang PLP
MANILA, Philippines - Kumana si Hessed Gabo ng 12 puntos upang trangkuhan ang STI sa 92-44 pagdurog sa Pamantasang Lungsod ng Pasay at upuan ang ikalawang puwesto sa pagtatapos ng first round ng 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa STI Global gym kahapon.
Sumuporta kay Gabo si Bryan Daguplo na umiskor ng 10 points at ihatid ang Olympians sa kanilang ikawalong panalo matapos ang tatlong talo sa 11 games ng 12-team tournament na ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare.
Patuloy namang hawak ng University of Manila ang solong liderato sa kanilang 10-1 win-loss slate.
Sa iba pang laro, pinayukod ng Informatics ang San Sebastian-Cavite, 67-57, hiniyan naman ng AMA Computer U ang Lyceum de Subic Bay, 86-76 upang pumuwesto ng ikalima at ikapitong posisyon taglay ang 7-4 win-loss slate at 6-5 panalo-talo karta, ayon sa pagkakasunod.
Pawang nasibak naman ang LSB (4-7), St. Clare (2-9), PLP (2-9) at University of Makati (0-11).
Out of the race are LSB (4-7), St. Clare (2-9), PLP (2-9) and University of Makati (0-11).
- Latest
- Trending