^

PSN Palaro

Cebu vs MisOr sa TOP Finals

-

MANILA, Philippines - Ikinasa ng M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu ang klasikong tagisan nila ng karibal na Misamis Oriental para sa Tournament of the Philippines (TOP) title nang talunin uli ang Treston Laguna, 89-79, sa Game Two ng semifinals nitong Miyerkules sa New Cebu City Coliseum.

Tumipak ng 22 puntos si Stephen Padilla kasama ang limang tres, habang may tig-15 puntos sina Ariel Mepana at Ian Saladaga para sa isa pang balanseng pag-atake upang makumpleto ng Niños ang 2-0 sweep sa Stallions sa best- of-three semis series.

 Ang Game One ng Finals ay gagawin sa Setyembre 7 at dahil ang Niños ang nanguna sa eliminasyon ay siyang magtataglay ng homecourt advantage sa best-of-five series.

Ang tres nga ni Padil­la ang nagpakinang sa 12-0 run na ibinagsak ng koponan sa unang yugto upang makuha agad ng host team ang 28-17 abante matapos ang 1st quarter.

 Hindi na nakabangon pa ang Stallions sa puntong ito at napag-iwanan ng 23 puntos na nangyari ng dalawang beses, 63-40 at 65-42, bago ipinasok ni coach Raul Alcoseba ang kanyang bench players para matapyasan ng katunggali ang kalamangan sa respetadong iskor.

Ang Meteors na number two seeds ay walang hirap na nakaabante sa Finals nang hindi nakarating ang katunggaling Taguig na dapat isinagawa sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro.

ANG GAME ONE

ANG METEORS

ARIEL MEPANA

GAME TWO

IAN SALADAGA

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

MISAMIS ORIENTAL

NEW CEBU CITY COLISEUM

RAUL ALCOSEBA

STEPHEN PADILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with