^

PSN Palaro

Pacquio tatalunin ni Margarito ayon sa bagong trainer

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Kumpiyansa ang ba­gong trainer ni Antonio Margarito sa kanilang tsansa na talunin ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao sa Nobyembre 13 sa Cowboy’s Stadium, Texas.

Si Robert Garcia na hu­malili kay Javier Capetillo ma­tapos sibakin ni Margarito dulot ng pagkakatuklas ng paggamit ng illegal na ke­mikal sa balot ng kanyang kamay nang kinaharap si Sugar Shane Mosley noong Enero 24, 2009, ang nagga­rantiya na lalaban ng saba­yan ang Mexicano.

“I have been studying Manny Pacquiao’s fights. I’ve been studying him everyday so I honestly, honestly see us having a big chance of pulling it out,” wika ni Garcia nang nakapanayam ng Examiner.com.

Hindi na bago kay Gar­cia ang humawak sa isang boksingero sa ma­laking laban dahil siya ang trainer ng ibang bigating boxers kasama si Filipino ‘Flush’ Nonito Donaire Jr. at Brian Viloria.

Pinunto niya ang bentahe ni Margarito sa tangkad at laki ng pangangatawan na siya nilang gagamitin upang matalo si Pacquiao.

“Margarito has the strength, the power. He’s hungry to be the best and prove everybody wrong. He will get hit but he will just keep coming and coming and Pacquiao will get tired of just having Margarito on him,” paliwanag pa nito.

Paglalabanan ng dala­wa sa pa-boxing na ito na handog ng Top Rank ang ba­kanteng WBC junior mid­dleweight division (154 lbs) at kung mananalo nga si Pacquiao ay maiaakyat ni­ya sa walo ang dibisyong pi­nagharian nito.

Maliban sa pagsasanay, ang isang bagay na tunay na magpapainit kay Margarito ay ang hangaring ma­isantabi ang masamang alaala dulot ng kontrobersya sa laban nila ni Mosley.

Nasuspindi siya ng isang taon at pinalad lamang na mapaboran ng Texas De­partment of Licensing and Regulation kamakailan nang gawaran siya ng lisensya para matuloy ang nasabing laban nila ni Pacquiao.

Mismong si Margarito nga ang nagsabi na ta­talunin niya si Pacquiao upang maipakita sa lahat na hindi niya kailangang gu­mamit na anumang ille­gal para talunin ang mga tinitingalang pangalan sa sport.

Magkakaharap ang dalawang boksingero sa unang pagkakataon para sa labang ito sa Martes sa pagsisimula ng tatlong lu­gar na Press Tour sa Be­verly Hills Hotel sa Los Angeles.

Ang iba pang lugar na pagdarausan ng Tour ay sa New York sa Miyerkules at sa Cowboy’s Stadium sa Biyernes.

vuukle comment

ANTONIO MARGARITO

BRIAN VILORIA

HILLS HOTEL

JAVIER CAPETILLO

LICENSING AND REGULATION

LOS ANGELES

MARGARITO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with