^

PSN Palaro

Unfavorable trades, dapat aksyunan ng PBA

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Dapat na maging istrikto ang Philippine Basketball Association (PBA) sa mga trade na nangyayari sa mga teams na kabilang sa sister companies. Minsan ay may mga team na naagrabyaado na rin dito at ka­­dalasan ang pagiging kompetitibo ng koponan ay na­apektuhan din.

Batay kasi sa isang survey, hindi umaayon ang mga fans ng PBA na magkaroon ng trade ang magkapatid na koponan dahil nga naman dehado ang ibang teams. Sa ngayon ay may ganitong polisiya ang PBA, pero may mga trades na nakakalusot pa rin.

Ang ginagawa ng mga team sa PBA ay nagiging three-way ang trade. Ililipat ang player sa isang ‘conduit’ team bago ibigay sa sister team. Hindi naman ikinaila ni outgoing commissioner Sonny Barrios na sinasalungat din nila ang ganitong istilo ng ibang koponan, pero wala silang magawa.

Isang eye-opener, kung tutusin, ang resulta ng survey. Ang tanong na lamang ay kung paano matutugunan ng susunod na Commissioner na si Atty. Chito Salud ang naturang isyu.

Tanging ang San Miguel Corporation ang kompanya na may tatlong koponan sa PBA San Miguel Beer, B-Meg Derby Ace at Ginebra.  

Sa susunod na komperensya, ang Talk N Text ay magkakaroon din ng sister team nang bilhin ng Smart PLDT ang Sta. Lucia Realty at gagamitin nito ang pa­ngalan na Meralco sa Oktubre.

*    *    *

Ngayon pa lamang ay sabik na sina PBA legends Gary Payton, Glenn Rice, Chris Webber at Mitch Rich­mond na maglaro sa 2010 NBA Asia Challenge sa Bi­­yernes sa Araneta Coliseum.

Ang NBA Asia Challenge ay magsisimula sa alas-8 ng gabi sa Big Dome. Maraming masisiyahan sa mga panatiko ng basketball sa panonood sa mga PBA greats na ito. Pero siyempre isang bagay din ang dapat na­ting isipin…Ginagawa nila ito para rin makatulong sa kap­wa.

Pero bago ang basketball, maraming aktibidad ang mangyayari. May reading activity sa isang mall at ang pagtulong ng mga NBA at PBA players sa pagtatayo ng mga bahay para sa isang kawanggawa. Patunay la­mang na kahit sikat at alamat na maituturing ang mga players na ito ay marunong pa rin silang m­akipag-kapwa.

Mas masaya ngayong taon dahil kakaiba ang format kumpara noong nakaraang taon nang ang NBA le­gends, na pinamunuan ni Kareem Abdul-Jabbar bi­lang coach habang naglaro naman sina Robert Horry, Do­mi­nique Wilkins, Tim Hardaway at Vlade Divac ay na­nalo sa PBA Superstars (106-89).

Ngayong taon ang NBA players kasama ang ilang manlalaro sa NBA Developmental League, ay ma­ka­kasama sa team ang PBA players.

Kasama ni Payton sa Red Team sina Rice, isang three-time All-Star na nanalo na ng kampeonato sa Los Angeles Lakers noong 2000, D-Leaguers Darnel Lazare at Chris McCray, at PBA legends Vergel Meneses, Allan Caidic at superstars Asi Taulava, LA Tenorio, at Arwind Santos

Sa White Team ay sina Webber, Richmond , D-League’s Mark Tyndale at Richie Frahm, former PBA import, ex-PBA players Alvin Patrimonio, Benjie Paras at Ronnie Magsanoc, at superstars Ronald Tubid, Rico Maierhofer,at Dondon Hontiveros.

Si Tim Cone ng PBA Fiesta Cup champion Alaska ang coach ng Red Team, habang sa White Team ay si SMB mentor Siot Tanquingcen.

ALLAN CAIDIC

ALVIN PATRIMONIO

ASIA CHALLENGE

PBA

RED TEAM

SHY

TEAM

WHITE TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with