^

PSN Palaro

So, Israeli GM tabla sa 8th round

-

MANILA, Philippines - Muli na namang naki­pagkasundo sa tabla si Pi­noy GM Wesley So laban kay Israeli GM Boris Gelfand sa kanilang bakbakan sa ikawalong round ng 2010 NH Rising Stars vs Experience Chess Team Tournament kahapon sa Hotel Krasnapolsky sa Netherlands.

Sinubukan ng highest-rated wood pusher sa nasabing torneo na si Gelfan na samantalahin ang kahinaan ng puting piyesa ni So ngunit nagawa ng pambato ng Pilipinas na mapu­wersa ang laban patungo sa sitwasyon na maaaring magtapos sa tabla.

Ito ang ikalawang beses na nagtapos sa tabla ang dalawang GM’s, ang una ay noong unang round na na­ganap noong Agosto 14.

Nananatili lamang si So na mayroong 3.5 puntos mula sa pitong tabla at isang kabiguan. Kakaharapin ng tubong Bacoor, Cavite na si So sa ikasiyam na round si GM Ljubomir Ljubojevic ng Serbia at GM Loek van Wely ng Netherlands sa huling round.

Samantala, iginupo na­man ni GM Anish Giri si GM Ljubojevic upang pangunahan ang Rising Stars sa 3-2 panalo kontra sa mga Experience sa ika­walong round at 22-1 sa kabuuan ng torneo na may dalawang round na lamang ang nalalabi.

Ang tagumpay na ito ang nagbigay kay Giri ng kalamangan laban sa mga kakamping sina GM Hikaru Nakamura ng USA at Fabiano Caruana para sa in­di­vidual record at para sa pinakaasam na puwesto sa Amber Blindfold and Rapid Tournament.

Sa kabuuan, mayroon ng 5.5 points si Giri mula sa tatlong panalo at limang tabla habang si Nakamura naman na nakipagtabla kay GM Peter Heine Nielsen ng Denmark ay may limang puntos mula sa apat na ta­gumpay, dalawang talo at dalawang tabla.

Nagtapos rin sa tabla ang isa pang labanan sa pagitan nila GM David Howell ng England at Van Wely matapos ang 88 na galaw sa loob ng halos anim na oras ng paglalaro.

vuukle comment

AMBER BLINDFOLD AND RAPID TOURNAMENT

ANISH GIRI

BORIS GELFAND

DAVID HOWELL

EXPERIENCE CHESS TEAM TOURNAMENT

FABIANO CARUANA

GIRI

HIKARU NAKAMURA

RISING STARS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with