MANILA, Philippines - Ipapakita ng mga miyembro ng Philippine team ang kanilang husay sa 2010 Smart MVP Best of the Best taekwondo championships bukas sa Music Hall ng SM Mall of Asia sa Pasay City.
Kabilang sa mga itatampok na taekwondo jins ay sina Olympian Toni Rivero, John Paul Lizardo at Jyra Lizardo.
Ang iba pa ay ang mga miyembro ng elite pool blackbelts mula sa AFP-PNP Olympic champions at mga gold medalists ng national events mula sa Luzon, Visayas at Mindanao championships at sa UAAP, NCAA at lahat ng PTA Metro Manila at regional competitions. Halos 500 jins, kasama na rito ang mga galing sa 12 regions, ARMM, CAR, CARAGA at NCR, ang inaasahang lalahok sa nasabing torneo.