MANILA, Philippines - Pinayukod ng University of Manila ang dating kampeon na STI, 75-65 bago winalis naman ng Our Lady of Fatima U ang Lyceum-Subic Bay, 80-59 kahapon upang makasalo sa liderato sa pagbabalik aksyon ng 10th NAASCU men’s basketball competition sa UM Gym.
Bumangon ang Jojo Castillo-coached Hawks at ang Rensy Bajar-mentored Phoenix mula sa kabiguang nalasap mula sa mga kamay ng New Era U, 102-109, sa double overtime at STI, 73-74, ayon sa pagkakasunod nitong nakaraang linggo upang patuloy na palakasain ang kani-kanilang kampanya sa ligang ito na inorganisa ni NAASCU president Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College (Caloocan).
Tumapos si rookie Rhandelle Colina ng 16 puntos, habang naglista naman sina Jeff Alvin Viernes, JR Tan, Jayson Ibay at Jay-Ar Manuel ng 13, 13, 11 at 10 points, ayon sa pagkakasunod at pagandahin ang kanilang kartada sa 5-1 (win-loss) slate.
Binalikat ni Romy Joronacion ang Valenzuela-based school’s sa kanyang tinapos na 21 puntos, habang nagposte sina James Jacinto aty Anthony Benavidez ng 126 at 12 puntos.
Sa iba pang laro, pinayukod ng Centro Escolar ang New Era U, 99-87 at pinulbos naman ng Informatics International Colleges ang University of Makati, 117-72.
Nagpasabog si Axl Garcia ng 31 puntos nang kanyang trangkuhan ang Scorpions sa ikaapat na panalo matapos ang dalawang kabiguan.