^

PSN Palaro

2nd QC International Marathon sa Dec. 5 na gagawin

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nais ng pamunuang Lokal ng Quezon City na gamitin ang 2nd Quezon City International Marathon upang mailunsad ang prog­ramang makakatulong sa Siyudad na maging sports tourism capital ng bansa.

Hindi tulad sa naunang edisyon na kung saan ang QCIM ay itinakbo sa buwan ng Oktubre at kabahagi la­mang ng ika-70th aniber­saryo ng Siyudad, ang pa­takbo ay gagawin na sa Disyembre 5 upang mag­karoon ito ng sariling pagkakakilanlan.

“Last year, the QCIM was meant to be just one of the event of the founding anniversary of the City. The event turned out to be successful so we decided to turn the event into an institutionalize event of the City,” wika ni Vice Mayor Joy Belmonte na nakasama ni Mayor Herbert Bautista at mga opisyales ng nag-o­organisang RUNNEX sa press conference kamakalawa sa UP-Ayala TechnoHub sa Diliman.

“Just like what Mayor Bautista said, we want Que­zon City to be the country’s sports tourism ca­pital and holding the QCIM will help us reach our goal,” dagdag pa ng Bise Alkalde na siyang itinalaga upang bumuo ng plano para sa tourism development ng Siyudad.

Umabot sa 8,000 runners, kasama ang mga da­yuhan mula Kenya, Asia at Eupora, ang lumahok sa unang edisyon upang ma­ging matagumpay ito.

Sa taong ito, naniniwala si RUNNEX Chairman Emeritus Art Disini na papalo sa 12,000 ang mga tatakbo lalo nga’t nakilala na ang patakbo bilang isa sa pinakamaganda at ma­­aayos na patakbo sa bansa. 

AYALA

BISE ALKALDE

CHAIRMAN EMERITUS ART DISINI

MAYOR BAUTISTA

MAYOR HERBERT BAUTISTA

QUEZON CITY

QUEZON CITY INTERNATIONAL MARATHON

SHY

SIYUDAD

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with