19 team maglalabu-labo sa WNCAA
MANILA, Philippines – Habang ang ibang liga ay nababawasan ng kalahok o tumutupi na, patuloy naman ang paglago ng Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA).
Katunayan, sa pagbubukas ng kanilang ika-41st taon ay may 19 na koponan ang kasali dahil bumalik ang St. Paul Pasig habang lalahok sa unang pagkakataon ang Poveda College.
“Our goal is to reach 20 teams and we now have 19 teams,” pagmamalaki ni league president Vivian Manila ng St. Scholastica’s College sa press launching kahapon sa Aristocrat Restaurant sa Malate, Manila.
Isa si Gretchen Malalad na nagmula sa liga na nakilala sa buong mundo sa karatekas at siya nga ay maghahatid ng inspirational message sa pagbubukas sa Sabado sa Ninoy Aquino Stadium.
Ang basketball ang unang ilalarga sa walong regular sports na paglalabanan at ang iba pa nga ay ang volleyball, badminton, futsal, swimming, table tennis, taekwondo at cheer leading. Demo sport naman ang larong dutchball.
Ang iba pang balik WNCAA ay ang Angelicum College, Chiang Kai Shek College, College of St. Benilde, De La Salle Zobel, Emilio Aguinaldo College, La Consolacion College, Manila, Lyceum of the Philippines University, La Salle College, Miriam College, Philippine Women’s University, Rizal Technological University, San Beda College Alabang, St. Jude Catholic School, St. Scholastica’s College, St. Stephen’s High School at University of Asia and the Pacific.
Patok ang Lyceum na makapagdomina uli sa basketball at volleyball dahil nagtala na ng apat na sunod na kampeonato ang koponan sa basketball habang may 10 titulo naman ang Lyceum sa volleyball.
- Latest
- Trending