7 eksplosibong laro didribol sa 10th NAASCU
MANILA, Philippines - Si dating Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ang magiging guest of honor at speaker para sa pagbubukas ng 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) basketball tournament ngayong araw sa Rizal Memorial Coliseum.
Ibabahagi ni Angping ang kanyang inspirational remarks sa makulay na opening ceremony na magtatampok sa parada ng mga koponan at ang pagpili sa Mr. and Ms. NAASCU.
Inimbitahan rin sina BAP-Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman Gov. Oscar Moreno at ABS CBN managing director Gina Lopez para sa naturang opening rites ng nasabing 12-school collegiate sports league.
Si NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College-Caloocan ang siyang magbibigay ng welcome remarks, habang ipapakilala naman ni Engr. Josie Balon ng AMA Computer University ang magpapakilala kay Gov. Moreno at si Fr. Emilio Jaruda ng San Sebastian College-Cavite ang sa panig ni Angping at si Atty. Ernesto de los Santos ng University of Manila para kay Ms. Lopez.
Pangungunahan ni Raymond Alcasabas ng SSC-Cavite ang pagbasa ng oath of sportsmanship. Agad na makakasagupa ng defending champion SSC-Cavite ang multi-titled UM sa ganap na alas-12 ng tanghali.
“We expect this year’s NAASCU basketball competition to be as successful as the previous nine years,” sabi ni Dr. Adalem. “SSC-Cavite is be gunning for its third straight title, but the rest of the teams have prepared long and hard to make a run for the title this year.”
- Latest
- Trending