^

PSN Palaro

33rd Smart National Taekwondo Championships kasado na

-

MANILA, Philippines - Ang pinakamalaking taunang torneo ng Taekwondo sa bansa, ang 33rd na edis­yon ng Smart National Championships ay nakatakdang magbalik aksyon sa Hulyo 31-hanggang Agosto 1 sa Ninoy Aquino Sta­dium sa Maynila.

“This (event) will be a big test for taekwondo practitioners all over the country,” ani Philippine Taekwondo Association president Robert Aventajado. “Chapter in 12 regions, including ARMM, CAR, CARAGA and NCR as well as all AFP branches and the PNP will be represented.”

Inaasahan ni tournament chairman Sung Chon Hong na mahigit 2,000 taek­wondo jins ang lalahok kabilang na ang miyembro ng National team.

Mahahati sa anim na dibisyon ang kum­petisyon--seniors, juniors, grade school para sa lalake at babaeng kalahok habang ang mga team events naman ay nahahati sa Novice at Advance groups.

Maaaring magtalaga ng limang manlalaro at dalawang pamalit ang bawat team sa event na iniisponsoran ng Phi­lippine Sports Commission, Smart Communications Inc. PLDT, Milo at Adidas habang ang mga national players naman ay maglalaro para sa kanilang mga home teams.

Kabilang sa mga koponan na kumpirmado na ang partisipasyon sa natu­rang event ay ang DLSU, ADMU, UP, UST, UE, FEU, International School, Letran, San Beda, Don Bosco Makati at Mandaluyong, Lourdes Schools of Mandaluyong at Quezon City.

Magsisimula ang aksyon sa ganap na alas-9 ng umaga habang ang opening ceremony ay gaganapin sa ganap na ala-una ng hapon.

DON BOSCO MAKATI

INTERNATIONAL SCHOOL

LOURDES SCHOOLS OF MANDALUYONG

NINOY AQUINO STA

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

QUEZON CITY

ROBERT AVENTAJADO

SAN BEDA

SMART COMMUNICATIONS INC

SMART NATIONAL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with