^

PSN Palaro

Dolphins humirit ng deciding Game Three sa Sharks

- Ni ATan -

MANILA, Philippines -  Hindi basta-basta isu­suko ng two-time champion Cebu Dolphins ang kampeonato sa Dunkin’ Donuts Baseball Philippines Series VI.       

Ito ang kanilang ipinakita nang kanilang kanain ang 10-9 panalo sa Sharks sa Game Two na ginawa sa Felino Marcelino Memorial Stadium sa Taguig City .

Tatlong runs ang naitala ng Dolphins sa eight inning bago ipinagkatiwala kay ace pitcher Joseph Orillana ang ninth at huling inning para magkatabla ang dalawang koponan sa 1-1.

Tabla sa 7 all matapos ang pitong innings, umiskor si Fulgencio Rances ng go-ahead run sa double ni Jonash Ponce.

Sa isang loaded bases situation ay nagtala naman ng error ang outfielders ng Sharks nang magkabanggaan sina Christian Galedo at Saxon Omandac upang makaiskor sina Orillana at Ponce at bigyan ng 10-7 ben­tahe ang Dolphins papasok sa top of the ninth inning.

Nakapanakot ang Sharks nang makaiskor sina Jonjon Robles at Ga­ledo sa mga sacrifice hits nina Romy Bumagat at Jenald Pareja.

At kahit isang out na lamang ang kailangan ay nakatungtong pa sa mga base hits sina Francis Candela at Omandac para mamuro sa panabla at go-ahead run.

Ngunit hindi ito pinahin-tulutan pa ni Orillana dahil na-strikeout niya si Nino Tator para sa ikatlo at huling out. Ang deciding Game Three ay gagawin sa su­sunod na Sabado sa nasabing venue.

CEBU DOLPHINS

CHRISTIAN GALEDO

DONUTS BASEBALL PHILIPPINES SERIES

FELINO MARCELINO

FRANCIS CANDELA

FULGENCIO RANCES

GAME THREE

GAME TWO

JENALD PAREJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with