^

PSN Palaro

Game 1 sa SMBeer

- Ni R Cadayona -

MANILA, Philippines - Maski na ang malaking puso ay hindi sapat para mapaglabanan ang ma­tinding kapaguran.

Sinamantala ang masa­kit na katawan ng Derby Ace, kinuha ng nagdedepensang San Miguel ang malaking 101-88 tagumpay sa Game One ng kanilang best-of-seven semifinals series para sa 2009-2010 PBA Fiesta Conference kahapon sa Big Dome.

Huling naglaro ang Beer­men noong Hulyo 2 nang talunin ang Llamados sa kanilang playoff ga­me para sa ikalawa at huling outright semifinals berth, habang nanggaling naman ang Derby Ace sa 3-2 pagtakas sa kanilang best-of-five quarterfinals series ng Rain or Shine.

“We were a little pressured than they were co­ming into this game but we came out in the second half a little stronger,” sabi ni Jay Washington, humugot ng 14 sa kanyang points game-high 28 points sa third quarter.

Matapos lumaban ang Llamados sa first half, 44-44, galing sa 12 points ni James Yap, tampok rito ang 3-of-4 shooting sa three-point range, bumitaw naman ang Beermen sa third period nang kunin ang malaking 70-55 lamang patungo sa isang 24-point lead, 79-55, sa huling 16.8 segundo nito mula sa tres ni Jonas Villanueva.

Ngunit hanggang sa 12 puntos lamang, 84-96, naibaba ng Derby Ace ni Ryan Gregorio ang naturang lamang sa kanila sa huling 1:57 ng fourth quarter. 

Ang dalawang free­throws ni Washington ang tuluyan nang sumelyo sa panalo ng Beermen sa nalalabing 1:37 para sa kanilang 98-84 bentahe.

Nagdagdag si Gabe Freeman ng 23 points para sa SMBeer.  

San Miguel 101 - Wa­shing­ton 28, Freeman 23, Santos 15, Hontiveros 15, Villanueva 8, Peña 4, Racela 3, Cabagnot 2, Seigle 2, Miranda 1, Yeo 0, Ildefonso 0, Pennisi 0.

B-Meg Derby Ace 88 - Yap J. 24, Washam 23, Simon 12, Artadi 7, Timberlake 6, Maierhofer 6, Pingris 4, Adducul 2, Reavis 2, Yap R. 2, Canaleta 0, Allado 0.

Quarterscores: 25-21, 44-44, 79-57, 101-88.

B-MEG DERBY ACE

BEERMEN

BIG DOME

DERBY ACE

FIESTA CONFERENCE

GABE FREEMAN

GAME ONE

JAMES YAP

SAN MIGUEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with