^

PSN Palaro

Handball, bagong laro sa NAASCU

- Ni Manuel Cinco-trainee -

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagsisimula ng panibagong season ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities ay ang pagpapakilala ng bagong laro na bago sa ating mga Pi­lipino.

Mapapabilang na sa lista­h­an ng mga sports discipline na lalaruin sa 10th season ng NAAS­CU ang handball, isang Olympic sport na nilalaro sa loob ng isang 40 meters (haba) by 20 meters (lapad) na court.

Ito ay nilalaro ng dalawang koponan na mayroong pitong manlalaro sa loob ng isang court. Nahahati ang laro sa da­lawang half na may oras na tatlumpung minuto bawat isa.

Kinakailangang makapuntos sa goal ng kalaban para maka-iskor, ang larong ito ay maihaha­lintulad sa indoor soccer. Hindi katulad sa larong basketball na may limit na anim na fouls, ang handball ay walang limitasyon sa mga “faults” na maaring magawa ng isang player.

“They first played it in Thailand, then they invited us to play handball in the Philippines”, pahayag ni Dr. Ernesto Jay Adalem NAASCU president.

Bago ang handball, nauna ng isinama ng NAASCU sa lis­tahan ng kanilang mga sports discipline ang billiards na kanila ng kinukunsiderang isang “non-gambling” sport at ang duathlon.

Bumuo ang NAASCU ng mga manlalaro, karamihan ay mula sa University of Makati ng koponan na kasaluku­yang nag-eensayo ng handball upang lu­mahok sa paparating na Asian Games sa China sa Nobyembre.

Nakatakdang laruin ang handball sa ikalawang semestre kasabay ang ilan pang sports discipline gaya ng volleyball, swimming at track and field.

ASIAN GAMES

BUMUO

COLLEGES AND UNIVERSITIES

DR. ERNESTO JAY ADALEM

HANDBALL

KASABAY

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

SHY

UNIVERSITY OF MAKATI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with