So handa at kumpiyansa sa Biel chessfest
BIEL, Switzerland--Handa at kumpiyansa. Ito ang paglalarawan ni Filipino GM Wesley So sa kanyang sarili bago ang pagsulong ng 43rd Biel International Chess Festival Young Grandmasters tournament sa Hulyo 19.
Ang 16-anyos na si So, ang highest-rated player ng Pilipinas mula sa kanyang ELO 2674, ay seeded fourth overall sa category-17, all-GM tournament.
“This is another major challenge for me, but I’m ready,” wika ni So, ang pinakabatang GM na nasa Top 60 sa FIDE list.
“Hopefully, I can perform just as well in this 10-player tournament and possibly break the 2700 ELO barrier,” dagdag pa ni So, gumawa ng ingay nang talunin sina Vassily Ivanchuk ng Ukraine at Gata Kamsky ng United States sa 2009 World Chess Cup sa Khanty-Mansiysk, Russia.
Bago ang actual tournament , magbibigay si So ng isang simul exhibition sa downtown Biel mula sa imbitasyon ng Swiss organizers.
Idedepensa ni GM Maxime Vachier-Lagrave (ELO 2723) ng France ang kanyang korona sa torneo.
- Latest
- Trending