^

PSN Palaro

Cebu 6th leg champ sa TOP

-

MANILA, Philippines - Sa tagisan ng dalawang walang talong koponan, mas kinakitaan ng asim ng paglalaro ang ML Kwarta Padala-Cebu nang kunin ang 78-73 panalo sa Misa­mis Oriental sa pagtatapos ng 6th leg Tournament of the Philippines elimination round sa New Cebu City Coliseum.

Nangibabaw ang mga malalaking manlalaro ng Ninos sa pamumuno ni Bru­ce Dacia sa huling yu­gto upang manalo sa unang pagkikita ng karibal na Meteors.

Ang Cebu at MisOr ay magkalabang mortal sa Liga Pilipinas at nanalo ang Meteors sa Ninos sa second conference finals bago bumawi ang Ninos nang maghari sa ikatlong conference.

Nakapagdomina ang Cebu at nakalayo nga ng hang­gang 11 puntos sa magkasunod na buslo ni Marlon Basco, 47-36.

Pero hindi basta-basta sumuko ang Meteors at humabol sa mga buslo nina Eder Saldua, Neil Raneses at Ronald Lamocha.

Tinapos naman ng Hobe Bihon-Taguig ang dalawang sunod na kabiguan gamit ang 95-77 panalo sa Mandaue sa unang laro.

vuukle comment

ANG CEBU

EDER SALDUA

HOBE BIHON-TAGUIG

KWARTA PADALA-CEBU

LIGA PILIPINAS

MARLON BASCO

NEIL RANESES

NEW CEBU CITY COLISEUM

RONALD LAMOCHA

TOURNAMENT OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with