King James pumirma na sa Miami

MIAMI--Nasa kanang bahagi ng larawan si Dwyane Wade at naisip niyang hindi ito ang opti­mal spot para sa pinakamaliit na player sa litrato.

Kaya pumagitna siya at nasa gilid naman sina LeBron James at Chris Bosh.

Picture perfect.

Suot ang kanilang mga ba­gong uniporme sa harap ng nag­titiliang 13,000 fans, itinampok ang pinakabagong superstar trio ng NBA sa isang contract-signing ceremony sa opisina ni team owner Micky Arison.

Iniwan ni James ang Cleveland para maglaro sa Miami ka­sama sina Wade at Bosh sa hangaring makuha ang kanyang kauna-unahang NBA cham­pionship.

“I’ve made the right decision,” sinabi ng two-time reigning MVP na si James.

“It’s still surreal, man,” wika naman ni Wade, natikman ang kanyang unang NBA title noong 2006 para sa Heat. “Me, Chris and ‘Bron. We ready. We want to go to the gym now.”

Matapos ang kanilang pagdating, naglakad sina Wade, Ja­mes at Bosh sa mahabang run­way, nakipagpalitan ng high-fives sa kanilang mga fans at dinama ang bago nilang ka­paligiran.

“We wanted to come here, then LeBron wanted to come,” sabi ni Bosh, nanggaling sa To­ronto Raptors. “Let’s get it done, man. Let’s get this thing going.”

Ibinigay ng Heat sa Cavaliers ang kanilang dalawang future first-round at dalawang second-round picks bilang kapalit ni Ja­mes.

Dalawang first-round picks naman ang ipinalit ng Heat sa Raptors para kay Bosh.

“We here now,” ani James. “And we’re here for a long time.”

Sina Wade, Bosh at James ay kapwa lumagda ng isang six-year contract na magbibigay sa bawat isa ng halos $2 million na mas maliit sa maaari nilang hingin na $16.6 million para sa darating na NBA season.

“All three of these gentlemen up here are going to be here for a long time and they’re going to be here for a long time for us to enjoy, thoroughly enjoy,” sabi ni Heat president Pat Riley.

Show comments