^

PSN Palaro

Patrombon papalo sa YOG

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Naisakatuparan ng pamba­tong junior player ng bansa na si Jeson Patrombon ang hanga­ring makalaro sa 1st Youth Olym­pic Games sa Singapore.

N­akatanggap ang Philippine Tennis Association ng impormasyon sa Olympic Solidarity na kung saan binibigyan nila ng wild card si Patrombon para makasama sa 32-man main draw sa kompetisyong ilalarga mula Agosto 14 hanggang 26.

Napasama ang 17-anyos na si Patrombon sa nabigyan ng wild card dahil pumasok siya sa Top 50 sa hanay ng mga junior boys netters sa talaan ng International Tennis Federation.

Sa kasalukuyan, si Patrombon na nalagay sa 37th puwesto sa nagdaang buwan ay nasa ika-41st puwesto sa naipundar na 455 puntos sa paglahok sa boys singles at doubles.

Ang dating pambatong junior player ng Pilipinas na si Francis Casey Alcantara ay hindi na naikonsidera dahil nalaglag na siya at kasalukuyan ay nasa 60th pu­westo sa 395 puntos.

Sa Patrombon ang magi­ging ikasiyam na manlalaro ng bansa na makakasama sa YOG na hahawakan ni Chief of Mission Mark Joseph.

Ang mga naunang nakatiyak na ng puwesto ay ang 3-on-3 basketball na binubuo nina Michael Tolomia, Bobby Ray Parks Jr., Jerome Teng at Michael Pate, ang mga swimmers na sina Jasmin Alkhaldi at Jessie King Lacuna, weight lifter Patricia Llena at si Kirk Barbosa sa taekwondo.

Naunang binigyan ng wild card si lady jin Leigh Nuguid pero napalitan siya ni Barbosa dahil mas kaunti ang kalahok sa-48 kilogram na pinaglalaruan ng mag-aaral ng La Salle.

BOBBY RAY PARKS JR.

CHIEF OF MISSION MARK JOSEPH

FRANCIS CASEY ALCANTARA

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

JASMIN ALKHALDI

JEROME TENG

JESON PATROMBON

JESSIE KING LACUNA

KIRK BARBOSA

PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with