JRU asam ang 2nd win

MANILA, Philippines - Matapos matikman ang kanilang unang panalo, ha­ngad naman ng mga Hea­vy Bombers ang kanilang ikalawang sunod na tagumpay.

Haharapin ng Jose Ri­zal University ang Arellano University ngayong alas-4 ng hapon matapos ang salpukan ng Letran College at University of Perpetual Help-Dalta System sa alas-2 sa first round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Mula sa kanilang ope­ning day loss, bumawi ang Heavy Bombers nang igu­po ang Knights, 67-62, noong Lunes na tinampu­kan nina Cameroonian Joe Etame at rookie Mark Lopez.

Kasalukuyang magka­salo sa liderato ang nagde­depensang San Sebastian College-Recoletos at San Beda College mula sa mag­katulad nilang 3-0 rekord ka­sunod ang College of St. Benilde (1-0), Jose Rizal (1-1), Arellano (1-1), Mapua (1-1), Letran (0-2), Perpe­tual (0-2) at Emilio Aguinaldo College (0-3).

“It’s nice feeling winning my first game as a coach, I hope we could sustain the momentum form this game and translate it to another win,” ani JRU coach Vergel Meneses.

Show comments