^

PSN Palaro

Kahit na dalawang Kenyans ang tumapos na 1st at 2nd sa men's side: Raterta nagreyna sa Milo Elims

- Ni Beth Repizo-Meraña -

MANILA, Philippines - Bagamat dalawang Kenyan runners ang umang­kin sa una at ikalawang puwesto sa men’s division, hindi naman isinuko ni Lusia Raterta ang karangalan ng mga Filipina.

Nagsumite ng tiyempong 03:28:41, kinuha ng 29-anyos na si Raterta ang women’s title sa 42-kilometer race sa Metro Manila eliminations ng 34th Milo Marathon kahapon sa Quirino Grandstand sa Luneta Park.

Simula sa pagputok ng starting gun ay dinikitan na si Raterta ni Kenyan Susan Chepkwany.

“Ginamitan ko lang ng technique si Susan,” ani Raterta sa Kenyan. “Pinadikit ko siya hanggang mapagod siya. Nu’ng alam kong wala na siyang ibibigay, iniwanan ko na sa last 21 kilometers.”

Naorasan si Chepkwany ng 04:41:55 para sa pang 10 puwesto.

Ito ang unang pagkakataon na pinayagan ng race director na si Rudy Biscocho ang mga Kenyan runners na lumahok sa Milo marathon.

“Iyong ibang mga runners ayaw talaga nila kasi national ito eh. Okay lang kung international. Pero inaprubahan na nila Mr. Biscocho kaya wala na tayong magagawa,” ani Retarta. “Kung ayaw mong matalo ng Kenyan mag-training ka nang mabuti. Iyon na lang ang magagawa mo.”    

Ibinulsa ni Raterta para sa una niyang panalo sa Metro Manila eliminations ang premyong P50,000 kasunod sina Joanne Manangat (03:31.29) at Geraldine Sealza (03:37:50) na tumanggap ng P30,000 at P20,000, ayon sa pagkakasunod.

Ang nasabing cash prize, ayon kay Raterta, ina ng tatlong batang babae na ang isa ay naging third-placer sa girls’ 3K event, ay kanyang idadagdag sa hinuhulugang house and lot sa isang exclusive subdivision sa Sta. Rosa, Laguna na nagkakahalaga ng P600,000.

Pinagharian naman ni Kenyan Abraham Missos ang men’s class mula sa kanyang bilis na 02:39:42 kasunod ang kababayang si Willy Tanui (02:44:42) at ang Pinoy na si Modesto Madalang (02:46:53) para sa premyong P50,000, P30,000 at P20,000, ayon sa pagkakasunod.

“Every race I join I get better and better,” sambit ng 5-foot-10 na si Missos, isa lamang sa sinasabing 11 Kenyans na sinusuportahan ng isang negosyante sa Subic Bay Freeport.

Samantala, nanguna si Kenyan Anthony Cheptoo sa men’s 21K race mula sa kanyang oras na 01:12:43, habang si Nhea-Ann Barcena ang nagbida sa women’s category sa kanyang oras na 01:32:16 para sa gantimpalang P10,000.

Sina Ferdinand Corpuz at Serenata Salvaen naman ang namuno sa men’s at women’s 10K sa mga tiyempong 00:34:35 at 00:44:02, ayon sa pagkakasalansan.

GERALDINE SEALZA

JOANNE MANANGAT

KENYAN

KENYAN ABRAHAM MISSOS

KENYAN ANTHONY CHEPTOO

KENYAN SUSAN CHEPKWANY

LUNETA PARK

METRO MANILA

RATERTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with