Naglalakihang premyo sa PSC chairman Angping Cup chessfest
MANILA, Philippines - Si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Harry Angping ang magiging guest of honor sa pagsulong ng ikalawang PSC Chairman Angping Cup age-group rapid chess championships sa Huwebes sa PSC Canteen sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila.
Ibabahagi ni Angping ang kanyang inspirational remarks sa pang alas-2 ng hapon na opening ceremony ng naturang one-day, seven-round event bilang bahagi ng pagdaraos ng ‘Araw ng Maynila.”
Inaasahan ring pangungunahan ni Angping ang ceremonial move kasama si National Chess Federation of the Philippines (NCFP) president/chairman Prospero “Butch” Pichay.
Inimbitahan rin sa naturang okasyon si Manila Mayor Alfredo Lim.
Nakataya sa one-day tournament na hinati sa tatlong age categories ang mga trophies atcash prizes mula kay Angping.
Ang magkakampeon sa bawat kategorya ang tatanggap ng top prize na P20,000 at tropeo, habang ang runner-up at thrird-placer ay bibigyan ng P10,000 at P8,000, ayon sa pagkakasunod.
- Latest
- Trending