^

PSN Palaro

Pacman masusubukan ang tikas sa TOP caging sa pagsagupa ng Warriors sa Laguna

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pagkakataon naman nga­yon ng Pacman Gen-San Warriors na tumayong punong abala sa pangalawang leg ng Tournament of the Philippines ngayon sa Lagao Gym sa General Santos City.

Apat na koponan ang magtatagisan uli sa yugtong ito na ang hangarin ay madomina ang leg at makalikom ng mahalagang puntos na magagamit para mapaganda ang tsansang makaabante sa Playoff.

Ang Warriors na pag-aari ng Pambansang kamao na si Manny Pacquiao ay mapapalaban sa Treston-Laguna sa tampok na laro dakong alas-7:30 ng gabi.

Unang magtutuos ang Cobra Energy Drink laban sa Misamis Oriental ga­nap na alas-5 ng hapon matapos ang opening ceremony dakong alas-7 ng gabi.

Mapapasiya ang ma­nonood ng GenSan dahil sa inaasahang paglalaro mismo ni Pacquiao,

Ang natatanging boksingero na may pitong world titles ay kababalik lamang sa bansa matapos ang pa­nandaliang bakasyon sa US at Mexico at kasama nga siya sa official line up at ang kanyang uniporme ay may numerong 17.

Sina Marvin Yambao at Erian Daja ang siyang mamumuno sa Warriors laban sa Stallions na tumapos sa pangalong puwesto sa first leg na dinomina naman ng ML Kwarta Padala-Cebu.

Ipaparada naman ng Energy Kings ang matikas na line-up na binubuo ng mga manlalarong naglaro sa UE at kumampanya rin sa 1st ASEAN Basketball League sa pagharap sa MisOr.  

ANG WARRIORS

BASKETBALL LEAGUE

ENERGY KINGS

ERIAN DAJA

GENERAL SANTOS CITY

KWARTA PADALA-CEBU

LAGAO GYM

MISAMIS ORIENTAL

PACMAN GEN-SAN WARRIORS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with