MANILA, Philippines - Kawalan ng sapat na panahon para makabawi ng lakas matapos ang nakakapagod na laro kamakalawa ang ininda ni Jeson Patrombon upang tulu-yang mamaalam na sa ITF Offenbach sa Germany.
Naubos ang lakas ni Patrom-bon nang sumalang sa halos limang oras ng paglalaro sa singles at doubles competition dahilan upang maging ma-bagal at nawala ang lakas sa paghataw sa laban nila ni sixth seed Roberto Quiroz ng Ecuador tungo sa 6-0, 6-0, kabiguan sa round of 16.
“Jeson today lost 6-0, 6-0, to Quiros in the round of 16 match because his mind and body has not fully recovered from his marathon 3 hour, 3 set match in the singles and another close to two hours match in the doubles after only a 30 minutes of rest in between the two games,” wika ni coach Manny Tecson.
Narating ni Patrombon ang kauna-unahang round-of-16 sa apat na torneo sa clay court nang talunin si Patrick Ofner ng Austria.
Bigo man sa hangaring ma-ipagpatuloy ang paggawa ng kasaysayan sa kanyang tennis career sa clay courts, masaya pa rin si Tecson dahil patuloy ang pag-unlad ng paglalaro ni Patrombon na makakatulong sa mga darating pa niyang malalaking laban tulad nga sa Wimbledon na magsisimula sa huling linggo ng buwang ito.
“We learned a lot of lessons playing on the clay courts and these lessons will make us better and most importantly, we have proven something especially to ourselves to our opponents that we can also play, adjust and win on clay even against the best,” wika pa ni Tecson.
Magpapahinga panandalian si Patrombon bago tumulak sa Halle Germany para sumali sa Weber Open na unang grasscourt tournament ng 17-anyos na tenista.
Ang pagkausad din ni Patrombon sa round of 16 sa singles at doubles ay tiyak ding aani ng karagdagang ITF puntos upang mapataas pa nito ang kasalukuyang 39th ranking sa mundo.