^

PSN Palaro

RP keglers mapapasabak sa mga dayuhang bigating bowlers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Magpapakitang-gilas ang mga kasapi ng national bowling team sa paglahok nila sa 39th Philippine International Open Tenpin Bowling Championships sa Paeng’s Midtown Bowl sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

 Ang kompetisyon ay gagawin mula Hunyo 5 hanggang 20 at lalahukan din ng walong dayuhang bansa upang maga­mit din ng nag-oorganisa na Philippine Bowling Congress (PBC) bilang batayan kung sino ang puwedeng kumatawan sa national team na lalaban sa Asian Games sa Guangzhou, China.

Ang mga bisitang bansa na kasali ay ang Malaysia, Hong Kong, Qatar, Japan, Pakistan, United Arab Emirates, Singapore at Pakistan.

“Magagamit natin itong ba­sehan para sa Asian Games da­hil ang mga kasali rito ay siya ring mga bansa na maglalaro sa Guangzhou,” wika ni Bong Coo, ang secretary-general ng PBC.

Si Raoul Miranda ang kam­peon sa men’s masters habang ang Malaysian na si Fatin Syazliana ng Malaysia ang sa women’s masters at ang dalawa ay kasali sa dalawang linggong torneo.

Sina national players Biboy Rivera at Chester King ang mga palaban pa sa kalalakihan habang si Liza Del Rosario na­man ang mamumuno sa ka­babaihan.

Aabot sa P2 milyon ang prem­yong inilalagay sa kompetisyon at ang mananalo sa ka­lalakihan ay magbibitbit ng P250,000 habang P100,000 na­man ang mapupunta sa magkakampeon sa kababaihan.

Ang manlalarong makakagawa naman ng perfect game ay mabibiyayaan ng P50,000.

ASIAN GAMES

BIBOY RIVERA

BONG COO

CHESTER KING

FATIN SYAZLIANA

GUANGZHOU

HONG KONG

LIZA DEL ROSARIO

MIDTOWN BOWL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with