MANILA, Philippines - Mapapalaban uli ang mga pambatong junior netters ng bansa na sina Francis Casey Alcantara at Jesson Patrombon sa paglahok nila sa 46th Astrid Bowl Charleroi, Belgian International Junior Championships sa Belguim.
Ang Grade 1 event ng ITF ay katatampukan ng mga bigating junior netters sa pangunguna ng number two ranked sa mundo na si Jason Kubler ng Germany at number 7 na si Mate Zsiga ng Hungary.
Ang 16 na seeded players at bye sa round of 64 habang sina Alcantara at Patrombon ay masasalang agad sa aksyon laban sa mga katunggali na ngayon lamang nila makakaharap.
Si Alcantara ay masusukat kay lucky loser ng host country Robin Cambier habang si Patrombon ay mapapalaban kay Darian King ng Bardados.
Kung malulusutan ay kakaharapin nila ang mga top seeds na sina Kubler at Zsiga ayon sa pagkakasunod sa second round.
Nais nina Alcantara at Patrombon na magkaroon ng magandang resulta sa torneong ito bilang paghahanda na rin sa paglahok sa French Open.
Kakampanya rin si Patrombon sa boy’s doubles at kapareha niya si US Mitchelle Kruegger ng USA at kalaro nila sa unang asignatura ay sina Diego Acosta ng Ecuador at Facundo Mena ng Argentina.
Hindi naman lalaro sa doubles si Alcantara.