Smart Gilas 'di rin minamaliit ni Coach Nash Ng Qatar Team: Iran, Lebanon team-to-beat sa FIBA-Asia Champions Cup
DOHA, Qatar--Sinabi ni Al Rayyan coach Carl Nash na ang Mahram ng Iran at Al Riyadi ng Lebanon ang mga mabibigat na koponan sa 21st FIBA-Asia Champions Cup dito sa Al-Gharafa Stadium.
Ngunit nilinaw ni Nash na ang bawat tropa ay maaari rin namang matalo ng isang mahinang koponan.
“Everyone talks about Mahram and Al Riyadi and I do believe they are very strong,” wika ni Nash, gagabayan ang mga Qataris para sa unang pagkakataon sa naturang nine-day import-laden tournament.
“But if your team is playing in the FIBA-Asia Champions Cup, there’s a reason for that - they must be good. I think everyone is good and anyone can beat anyone on a given night,” dagdag ni Nash.
Hindi rin minaliit ni Nash ang tsansa ng Smart Gilas Pilipinas, magpaparada kay six-foot-10 Serbian Milan Vucicevic.
Itatampok naman ng Al Rayyan sina imports seven-foot Michael Fey at guard Craig Winder.
Si Fey ay nauna nang ikinunsidera ng Smart Gilas bilang reinforcement, habang naglaro naman si Winder para sa Rio Grande Valley Vipers sa NBDL kung saan siya nagtala ng mga averages na 16 points, 5.4 rebounds at 2.0 assists.
Maliban sa mga Americans, ipaparada rin ng Al Rayyan ang kanilang mga naturalized players na sina Yaseen Ismail Musa, Mohamed Salem, Malek Salem at Erfan Saeed.
Inamin naman ni Serbian mentor Rajko Toroman na mahihirapan ang Smart Gilas bunga ng ilang injuries ng mga miyembro nito.
“We have a lot of injuries,” sabi ni Toroman sa Nationals. “And though I think it will not be easy, we will aim to make it to the semifinals.”
- Latest
- Trending