Stockinger 3rd place sa Michelin Formula Renault UK C'ships race
MANILA, Philippines - Tumapos sa ikatlong puwesto si Swiss-Filipino champion racer Marlon Stockinger sa first round sa idinadaos na Michelin Formula Renault UK Championship kamakailan sa Rockingham, England.
Kasapi ng Atech Grand Prix racing team, ang 19-anyos na anak ni Tom Stockinger, kilalang mahilig sa Swiss racing at negosyante, ay pumangatlo sa kakampi at nagkampeon na si Tamas Pal Kiss at si Harry Tincknell.
Nagkaroon pa rin ng pagkakataon si Stockinger na maduplika ang ikatlong puwestong pagtatapos sa second round ng karera ngunit minalas ito na nagkaroon ng throttle problem upang huminto na lamang sa fourth lap ng karera.
Ito ang ikalawang podium finish ni Stockinger sa kanyang career matapos pumangalawa sa 2009 Michelin Formula Renault UK Winter Cup sa Rockingham.
Masaya naman ang team principal na si David Hayle sa naitala nina Tamas at Marlon sa karera.
“Tamas once again drove exceptionally well and his second win of the season was very well deserved. Marlon was outstanding over the weekend and this bodes well for the remaining races,” wika ni Hayle.
Ang ipinakita ay nagpatatag sa hangarin ni Stockinger na makilala nang husto sa mundo ng Formula Racing.
- Latest
- Trending