^

PSN Palaro

Junior netters nagpasikat sa Asia Oceania sa China

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Matibay ang junior tennis program ng bansa.

Ito ang napatunayan nang kuminang ang ilang batang manlalaro ng bansa na sumali sa Asia/Oceania World Junior Tennis final qualifyer sa Anquing, China kamakailan.

Isa nga sa nagpasikat ay ang 14-anyos na si Jurence Mendoza na nanalo sa kanyang tatlong singles match pero hindi natapatan ang kanyang husay ng ibang kasamahan upang mabigo pa rin ang Pilipinas na magkaroon ng mas ma­gandang puwesto.

Tinalo ni Mendoza si Colin Wong ng Malaysia, 6-3, 6-2; Rohan Kamdar ng Singapore, 6-4, 6-3; at Sharmai Dissanakaye ng Sri Lanka, 4-6, 6-4, 6-2.

Nakasama nito sa koponan sina Betto Orendain at Kyle Parpan na kan­yang nakatulong nang talunin nila ang Malaysia upang hindi mangulelat sa torneo.

Tinalo ni Orendain si Ah­med Shamsuddin, 6-3, 6-1, sa isa pang singles match bago nakipagtambalan kay Parpan sa kinuhang 6-1, 6-3, panalo kontra kina Shamsuddin at Zhe Han Low at makumpleto ang 3-0 sweep sa Malaysia.

 Sa kabuuan, ang Pilipinas ay winalis ng Chinese Taipei at Korea at natalo sa Singapore at Sri Lanka sa 2-1 iskor.

 Ang kompetisyon ay kinatampukan ng 16 na bansa at ang Sri Lanka, Syria at Pilipinas ay bu­magsak sa pre-qualifying tournament sa 2011 upang makabalik sa nasabing grupo.  

BETTO ORENDAIN

CHINESE TAIPEI

COLIN WONG

JURENCE MENDOZA

KYLE PARPAN

OCEANIA WORLD JUNIOR TENNIS

PILIPINAS

ROHAN KAMDAR

SHAMSUDDIN

SRI LANKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with