^

PSN Palaro

Alcantara laglag sa top 50th sa ITF rankings, Patrombon nakasingit

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagbayad ng husto si Fran­­­cis Casey Alcantara sa di magandang ipinakita sa mga nagdaang kompetisyon matapos itong malaglag sa top 50 sa ITF rankings.

Nanlamig sa mga huling si­­­nalihang torneo, nakita ni Al­can­tara, na dating number one junior player ng bansa, na malaglag sa 51st ranking sa huling talaan na ipinalabas ng International Tennis Federation nitong Mayo 3.

Si Alcantara ay nagkaroon ng kabuuang 412.5 puntos at nakasalo si Taro Daniel ng Ja­pan na siyang nakakuha ng ika-50 puwesto.

Mahalaga sa isang junior net­ter na mapasama sa top 50 hanggang sa katapusan ng buwang kasalukuyan dahil ang mga manlalarong pasok sa unang 50 rankings ang pu­we­deng maimbitahan bilang wild card sa 1st Youth Olympic Games.

Bunga nito ay kailangang ma­panumbalik ni Alcantara ang tikas ng paglalaro sa pagkampanya sa Europe kasama na ang planong pagsali sa Italian at French Open na kung saan kailangan niyang dumaan muna sa qualifying draw upang mapasama sa main draw ng dalawang kompetisyon.

Si Jeson Patrombon na nag­­laro sa apat na Grade I tour­­nament at dalawang beses na nakapasok sa finals sa kompetisyon sa Japan ang siyang lu­mabas na pinakamahusay na junior netter ngayon sa kanyang 49th ranking sa nalikom na 415 puntos.

Nasa Italy si Patrombon para lu­mahok sa Citta de Santa Croce na isang Grade I ITF event na gagawin sa clay court.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang 17-anyos na si Patrombon sa clay court ngunit tiwala si coach Manny Tecson na may ibubuga ang kanyang alaga.

“We had a good practice session and I believe we can pull some surprises here and our first objective is to get our first win on clay court to boost his confidence,” wika ni Tecson na isinailalim din si Patrombon sa flexi­bility training para makaiwas sa mga injuries.

Ang kompetisyon ay itinakda mula Mayo 10 hanggang 16 at magagamit ni Patrombon ito bi­lang kanyang tune-up bago asintahin ang paglahok sa Italian at French Open na kung saan pasok na siya sa main draw da­la ng kanyang kasalukuyang ranking.

CASEY ALCANTARA

FRENCH OPEN

GRADE I

INTERNATIONAL TENNIS FEDERATION

MANNY TECSON

NASA ITALY

PATROMBON

SANTA CROCE

SHY

SI ALCANTARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with