^

PSN Palaro

1954 'sports icon' pinalagan ang pagkuha ng mga Fil-Am cagers

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Hindi sang-ayon ang mga dating manlalaro ng 1954 World Basketball Championship national team sa planong pagkuha ng mga dayuhan upang makatulong sa hangarin ng bansa na makapasok sa London Games.

Iisa ang boses nina Antonio Genato, team captain ng koponang pumangatlo sa World Championship at Napoleon Flores na hindi payag sa planong ito dahil wala umanong maitutulong ito sa layunin ng bansa sa London Games sa 2012.

“They don’t deserve it. Wala sa dugo. Ano ang gagawin nila doon?” wika ni Genato.

Hindi sila sumasang-a­yon sa pagkuha ng da­yuhan dahil maglalaro lamang ito dahl sa perang ibi­nabayad sa kanya at hin­di dahil nais nitong tulu­ngang pabanguhin muli ang basketball ng bansa.

Idinagdag pa ni Genato na ito ang kaibahan sa man­lalaro ngayon at sa kanilang kapanahunan dahil noon, naglalaro sila dahil ma­hal nila ang basketball at nais nilang bigyan ng ka­rangalan ang bansa.

“Malaki na ang pagkakaiba ngayon dahil may suweldo na ang mga pla­yers. Dati, naglalaro lamang kami dahil mahal namin ang basketball,” pa­liwanag ni Genato.

Ang kadahilanang ito ang siyang puntos nila kung bakit di na dapat kumuha pa ng dayuhan na ba­bayaran pa ng malaki para makatulong sa Pambansang koponan.

Plano ng Smart Gilas na kumuha ng dayuhan upang gawing naturalize player para mapalakas ang frontline ng koponan upang makasabay sa nag­lalakihang koponan ng Chi­na o ng mga Middle East Countries.

Aminado ang mga datihang players na dapat ngang kumuha na ng mga seven footers dahil mahihirapan na talaga ang bansa sa China pero kung maglalaro lamang ng may puso ang bawat kasapi ng koponan ay maaaring maisakatuparan pa rin nila ang hangaring makabalik sa Olympics.

Ang 1954 team ang siyang lumalabas pa rin bilang pinakamahusay na basketball team sa Asya dahil tumapos sila sa ikatlong puwesto sa World Championship.

Ang kasapi ng koponan nga ay kasamang pinara­ngalan sa Philippine Sports Hall of Fame na ginanap ni­tong Miyerkules sa Maynilad Hall ng Manila Hotel.

ANTONIO GENATO

DAHIL

GENATO

LONDON GAMES

MANILA HOTEL

MAYNILAD HALL

MIDDLE EAST COUNTRIES

NAPOLEON FLORES

SHY

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with