^

PSN Palaro

Hawks namimiligro sa Bucks, bentaheng 3-2 sa serye isinubi

-

ATLANTA - Isang pa­­nalo na lamang ang ka­ilangan ng Milwaukee Bucks upang makasampa sa second round ng NBA playoffs.

Ito ay matapos igupo ng Bucks ang paboritong Atlanta Hawks, 91-87, sa Game 5 upang angkinin ang malaking 3-2 abante sa kanilang first-round playoff series.

Umiskor si Brandon Jennings ng 25 points, habang nakahugot naman ng krusyal na char­ging foul ang beteranong si Kurt Thomas kay Joe Johnson.

Ito ang unang paglalaro ng Milwaukee sa playoffs matapos noong 2006 kontra sa third-seeded na Atlanta, dadayo sa balwarte ng Bucks sa Game 6 sa Biyernes.

“The pressure’s not on us,” wika ni Jennings.

Pinanood lamang ni Milwaukee center Andrew Bogut ang mga Bucks na sementado ang kanang kamay bunga ng kanyang pagbagsak matapos ang isang two-handed slam dunk sa regular season.

Umiskor naman ang 20-anyos na si Jennings ng 12 sunod na puntos sa kaagahan ng laro at nagsalpak ng mahalagang freethrows para sa tagumpay ng Milwaukee sa Atlanta.

Humugot ang 37-anyos na si Thomas ng charging foul kay Johnson sa 2:15 ng fourth quarter para sa ikaanim at huling foul ng scoring leader ng Hawks.

Samantala, sisikapin naman ng Denver Nuggets na maging kauna-una­hang koponan sa nakalipas na apat na taon na nakabangon mula sa 3-1 deficit sa playoffs, ma­karaang maungusan ang Utah Jazz sa kabila ng pagkawala ng kani­lang sentrong si Nene na na-sprained ang kaliwang tuhod sa first half.

vuukle comment

ANDREW BOGUT

ATLANTA HAWKS

BRANDON JENNINGS

DENVER NUGGETS

JOE JOHNSON

KURT THOMAS

MILWAUKEE BUCKS

SHY

UMISKOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with