^

PSN Palaro

Si Maierhofer na!

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Give away na talaga ang kasagutan sa tanong na: “Sino ang magiging Rookie of the Year ng 35th season ng Philippine Basketball Association?”

Walang kalaban si Rico Maierhofer ng B-Meg Derby Ace Llamados (dating Purefoods Tender Juicy Giants). Bilang patunay nito, si Maierhofer ang tanging rookie na nakabilang sa Annual All-Star Game na ginanap ka­hapon sa Puerto Princesa, Palawan.

Hindi siya naglaro sa Rookie vs Sophomore blitz ga­me noong Biyernes kung saan nagwagi ang mga se­cond year players, 106-87. Sa halip ay doon siya nag­laro sa All-Star game na kinatatampukan ng mga superstars ng liga!

Malaking karangalan iyon para sa isang baguhang tulad ni Maierhofer. Ibig sabihin, ngayon pa lamang ay itinuturing na siyang kabilang sa mga “superstars!” ng PBA!

Biruin mo iyon? sa unang taon pa lang ay All-Star na kaagad si Maierhofer.

Eh, sa unang taon pa nga lang ay nakatikim na siya ng isang kampeonato. Bale, dalawa sila ng ka­kam­pi niyang si Chris Timberlake na mga rookies na nag­kampeon kaagad although sa nakaraang Finals ng Philippine Cup ay si Maierhofer lang ang talagang nagamit nang husto nang walisin ng Purefoods ang Alaska Milk, 4-0.

Masuwerte ang B-Meg sa pagkakakuha nito kay Maierhofer sa nakaraang PBA Rookie Draft. Masuwerte din si Maierhofer na inayawan muna ni Japhet Aguilar ang PBA at ninais na maglaro muna sa Smart Gilas de­velopmental team.

Kasi nga, si Japhet naman talaga ang pinag-uu­sa­pan at pinagkakaguluhan ng mga PBA teams sa Draft Day. Si Japhet ang tanging amateur player na nakabilang sa Powerade team Pilipinas. Naglaro ito sa Ateneo Blue Eagles bago nagtungo sa Estados Uni­dos kung saan nakapaglaro sa US NCAA.

Kaya naman si Japhet ang ginawa ng Air21 (da­ting Burger King) na No.1 pick sa Draft. Kinuha ng Purefoods bilang No. 2 pick si Maierhofer.

Pero hindi naman pala talaga gustong mag-pro ni Aguilar. Naglaro lang siya ng isang game bago ipinamigay na ng Air21 sa Talk N Text upang maiba­ba naman sa Smart Gilas.

Ironically, ang kaisa-isang game na nilaro ni Aguilar ay kontra sa Purefoods kung saan nagharap sila ni Maierhofer. Halos pa­rehas lang ang mga nu­merong naisumite ng da­lawang rookies.

Kaya naman hindi ma­sasabing kaya lang ma­giging Rookie of the Year si Maierhofer ay dahil sa nawala sa eksena si Aguilar.

Puwede din kasing ka­hit na nagpatuloy sa paglalaro si Aguilar sa PBA ay si Maierhofer pa rin ang magiging Rookie of the Year.

Tila iyon ang itinadha­na!

AGUILAR

ALASKA MILK

ANNUAL ALL-STAR GAME

ATENEO BLUE EAGLES

JAPHET

MAIERHOFER

PUREFOODS

ROOKIE OF THE YEAR

SHY

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with