^

PSN Palaro

UAE GM 'di nakaporma kay So, liderato sinampahan

-

SUBIC , Philippines  –Muling umis­kor si GM Wesley So ng ikalawang sunod na panalo hawak ang mga itim na piyesa laban sa bata ring GM na si Salem Saleh ng United Arab Emirates sa second round ng 2010 In­dividual Championship sa Subic Exhibition and Convention Center dito nitong Huwebes.

Gamit ang Gruenfeld defense sa unang pagkakataon, pinagana ng 16-anyos Filipino champion sa halos buong laro ang bago pa lamang natututu­nang kaalaman laban sa kanyang mahigpit na karibal at napuwersa ang highly-rated UAE player na mag-resign sa 37 sulu­ngan.

Ibinigay ni So ang kanyang tatlong mahalagang piyesa--rook, knight at bishop--kapalit ng queen ni Saleh at nakuha ng Pi­noy ang bentahe sa end­game kung saan ang kanyang kalaban ay humugot na la­mang ng malalim na pag­hinga bago sumemplang ang kanyang king sa gitna.

“This is my first time to play the Gruenfeld, a figh­tingline of deefnse which helps to avoid an early draw,” ani So makaraan ang matensyong apat na oras na laban na sinaksihan ng malaking bilang ng mga manonood.

 “It’s really a long strug­gle and one has to play precisely to keep the momentum. Medyo nagkamali siya nung ope­ning,” dagdag pa ni  So, na ginapi rin si Saleh sa 2008 Dubai Open sa UAE.

Ang panalo ay ikala­wang sunod ni So na sa­pat na para malagay ang high school gradua­te mula sa St. Francis Col­lege na kunin ang pan­samanta­lang maagang pa­ngunguna sa nine-round tourna­ment na inor­ganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) hatid ng Subic Bay Metropolitan Authority, Department of Tourism, PAGCOR, PCSO at ng Philippine Sports Commission.

Katabla ngayon ni So liderato si GM Krishnan Sasikiran ng India, na ti­nalo naman si IM Homa­yoon Toufighi ng Iran sa kanilang labanan sa top board.

Ang iba pang maagang nasa unahan ay sina GM Liren Ding ng China na pinabagsak si IM Kiril Kuderinov ng Kazakshtan at GM Rogeilio Antonio Jr., na nakuntento sa draw laban kay IM Rui Gao ng China matapos ang 26 moves ng Caro-Kann upang manatiling nasa kontensyon sa top prize ng US$6,000 mula sa kabuuang total prize na US$50,000.

DEPARTMENT OF TOURISM

DUBAI OPEN

GRUENFELD

KIRIL KUDERINOV

KRISHNAN SASIKIRAN

LIREN DING

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with