^

PSN Palaro

Korona itataya ngayon ni Melindo vs Thai boxer

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Itataya ngayon ni WBC Youth Intercontinental flyweight champion Milan Melindo ang kanyang titulo sa pagharap kay Komrit Twins Gym ng Thailand ngayong gabi sa Lodge, Chi Garden sa Dubai.

Walang talo sa 20 laban kasama ang limang knockout, unang pagdepensa sa titulo ang gaga­win ni Melindo sa titulong inagaw kay Anthony Villarreal ng US nitong Enero 14 sa Cebu City.

Si Komrit ay hindi orihi­nal na kalaban dahil ang nakalinya rito ay si Devis Perez ng Colombia ngu­nit hindi ito nakaalis sa kanyang bansa dala ng ma­l­awakang epekto ng pagkaputok ng bulkan sa Irel­and.

Biglaan man ang pagpapalit, tiyak na patok pa rin si Melindo dahil ang ka­laban niyang Thai ay tumigil sa loob ng tatlong taon matapos matalo kay AJ Banal noon sa pama­magitan ng first round KO.

Ang labang ito ni Melindo ay maaaring kanyang huli sa dibisyon dahil plano na ng kanyang mana­ger na Ala Promotions na iakyat na siya sa mas ma­taas na light flyweight division sa susunod na la­ban.

Wala namang hirap na aabot ni Melindo ang timbang sa weigh-in kahapon sa Dusit Thani Hotel nang pumasok ito sa 110 pounds.

Si Komrit naman ay ina­­asahang dumating ka­gabi saka siya titimbangin.

Si Melindo ang isa sa tatlong Pinoy na lalaban da­hil sina Rey “Boom Boom” Bautista at Larry “Bon Jovi” Canillas ay ma­sa­salang din bilang supporting bouts sa title fight.

Masasalang sa unang laban sa taon, si Bautis­ta ay makakalaban si Sai­chon Sotornpitak sa feather­weight habang si Canillas ay masusukat laban kay Fred Sayni ng Tanzania.

Minsan naging world title challenger, nakasalalay ang kinabukasan ni Bautista sa boxing sa labang ito.

Matapos matulog kay Daniel Ponce De Leon sa unang round si Bautista ay binagabag din ng mga injury sa kamay dahilan upang mabakante ito sa mga nagdaang buwan.

vuukle comment

ALA PROMOTIONS

ANTHONY VILLARREAL

BAUTISTA

BON JOVI

BOOM BOOM

CANILLAS

CEBU CITY

MELINDO

SHY

SI KOMRIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with