^

PSN Palaro

Simula na ng padyakan ngayon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Inaasahang masusukat agad ang husay at tibay ng dibdib ng mga siklistang kasali sa Le Tour de Filipinas (Tour of the Philippines) sa pagratsada sa kalye ngayon sa Tagaytay City.

Apat na yugto lamang ang idaraos sa Le Tour de Filipinas na bigyan ng basbas ng international federation sa UCI at idineklara bilang isang 2.2 race at naglaan ng mahigit na P1 milyong premyo na kung saan ang bawat lap winner ay magbibitbit ng P84,000 gantimpala.

Magkakasubukan agad dahil ang karera na isang Ta­gaytay-Tagaytay race na siyang pinakamahaba sa apat na yugto sa 148.9 kilometro at katatampukan ng mga ahunan at tagisan sa bilisan sa patag na da­anan.

Mga pinagpipitaganang siklista ng bansa sa pangu­nguna ni Warren Davadilla, ang huling Pinoy na nanalo sa isang karera sa bansa na nilahukan ng mga banyaga na nangyari noong 1998, ang mga magtatangkang ma­kuha ang titulo sa taong ito.

Si Davadilla nga ay sariwa sa pagkapanalo sa isang dalawang araw na Tour na tila kanyang pagpapakita na taglay pa nito ang lakas na hinangaan sa kanya nang magdomina sa 1998 Tour.

Naririyan din sina Victor Espiritu, Arnel Quirimit, Santy Barnachea, Joel Calderon at Mark Guevarra na pare-pareho ring nakagawa na ng marka sa taunang karera ng bisikleta ng bansa. 

ARNEL QUIRIMIT

FILIPINAS

JOEL CALDERON

LE TOUR

MARK GUEVARRA

SANTY BARNACHEA

SI DAVADILLA

TAGAYTAY CITY

TOUR OF THE PHILIPPINES

VICTOR ESPIRITU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with