^

PSN Palaro

10 Pinoy cue artists pasok sa knockout stage

-

MANILA, Philippines - Sampu sa 12 Filipino cue artists, kasama na rito sina Dennis Orcollo at Jeff­rey de Luna, ang uma­bante sa knockout stage ng Etisalat WPA World 8-Ball Pool Championship 2010 sa Fujairah, United Arab Emirates (UAE).

Tinalo ni Orcollo, ang ka­salukuyang International Pre­dator 10-Ball champion, si Ismael Yagob ng UAE, 8-6, sa kanilang do-or-die round.

Ang tagumpay ni Orcollo ang siyang nagpasok sa kan­ya sa knockout phase na Round of 32.

Muling makakasagupa ni Orcollo si Lee Van Corteza, tumumbok ng 8-5 panalo sa 2nd round nggroup stage match.

“Ganun talaga eh, y'un ang lumabas sa draw lots. Panalangin ko lamang sana Filipino pa rin ang palaring manalo sa World 8-ball sa taong ito,” sabi ni Orcollo.

Dalawang sunod na panalo naman ang tinipa ni De Luna para makasagupa si Indonesian Ricky Yang sa Last 32.

Para maitakda ang kanilang pagtatapat ni Yang, binigo muna ni De Luna sina Mustafa Hassan ng UAE, 5-8, sa opening round, si Chinese Hui Chan Lu, 8-6, at si Singaporean Kenny Kwok, 8-3.

Ang mananaig sa pagitan nina De Luna at Yang ang makakaharap naman kaninuman kina Orcollo at Corteza sa “Sweet 16.”

Ang iba pang Filipino na umabante sa Last 32 ay sina Ronnie Alcano, An­tonio Gabica, Raymund Fa­raon at Joven Alba, habang nakalagpas naman sa do-or-die rounds sina Mar­lon Manalo, Venancio Tanio at Oliver Medanilla.

Tanging sina Kim Aqui­no at Ruben Bautista ang dalawang Pinoy na hindi nakaabot sa knockout sta­ge ng World 8-Ball.

BALL POOL CHAMPIONSHIP

CHINESE HUI CHAN LU

DE LUNA

DENNIS ORCOLLO

INDONESIAN RICKY YANG

INTERNATIONAL PRE

ISMAEL YAGOB

JOVEN ALBA

ORCOLLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with