Humingi na umano ng paumanhin si Adam Carolla, ang American comedian na nagbitaw ng maaanghang na salita laban sa mga Pilipino at kay pound for pound king Manny Pacquiao.
Sabi ni Carolla sa kanyang twitter account, “Read your comments. Sorry if I offended many of u. I don’t preplan my commentary. I try to be provocative, funny but I crossed the line & im sorry,”.
Noong nakaraang linggo ay binatikos ni Carolla si Pacquiao at ang mga Pilipino. Sabi niya si Pacquiao ay illiterate at ang Pilipinas ay bansa ng mga prostitutes.
“Really, you want some guy with brain damage running your country? Why don’t you get your sh*t together? They got this and sex tours, that’s all they have over there. Get your sh*t together Philippines,” sinabi pa ni Carrola.
Hindi ito pinansin ng kampo ni Pacquiao. Sabi pa nga ng Malakanyang sa pamamagitan ni deputy presidential spokesman Gary Olivar, hindi hihingi ng paumanhin ang Pilipinas mula sa koedyante na aniya ay kabilang sa “sick minority” at dapat lang na hindi pinapatulan.
Bagama’t may ilang mga opisyal na pumalag sa mga pahayag ni Carolla. Ayon sa ilan nating nakausap nagpapansin lamang itong si Corolla at ito ang tunay na mangmang dahil hindi nito alam kung gaano kaganda ang Pilipinas.
Pero sa kanyang twitter kamakalawa, para itong nang-uto na nagsabi na “By the way, I think Manny is a great fighter.” Humingi siya ng paumanhin pero marami pa rin ang naniniwala na sa ilong ito galing at halata naman na humihingi lamang ng atensyon itong si Carolla
Dapat pa ba tayong magpa-uto sa papansin na tao na kagaya ni Corolla?
***
Isang malaking selebrasyon ang 35th Foundation Week celebration ng Philippine Basketball Assocation (PBA) sa Abril 9-18.
Ayon kay PBA Commissioner Sonny Barrios, ang “Foundation Week' celebration ay isang pagpupugay sa masaya at maalamat na nakaraan ng mga PBA greats
Noong Abril 9, 1975 sa harap ng 18,000 manonood nagsimula ang PBA. Unang sumalang ang double-header ng Mariwasa Noritake na pinabagsak ang Concepcion Carrier, 101-98, at Toyota na nanalo sa U-Tex, 105-101. Si Joy Dionisio, ang umiskor ng unang basket sa PBA.
Iyon ang simula nang isang maalamat na paglalakbay ng PBA. Lumikha ang PBA ng maraming bituin sa basketball na nagpakulay sa larangan ng sports sa bansa
Noon ang Mariwasa ay pinamumunan ni American import Cisco Oliver (Siya ‘yung nasa Alaska Milk commercial) at Crispa Redmanizer great Adriano ‘Jun’ Papa.
Si Jimmy Noblezada, si Iron Man, habang naroon din sina Jimmy Mariano, Joy Dionisio, na kumana ng PBA’s first basket, ay tumapos ng 10 points.
At sinong makalilimot kina Robert Jaworski, Mon Fernandez at marami pang nagbigay nang kahulugan sa panonood natin ng basketball.
Ang mga manlalarong ito ang gumuhit ng kasaysayan sa PBA at hanggang ngayon ay tinitingala pa rin ng mga nakakarami.