^

PSN Palaro

RP cue artists nagparamdam agad

-

MANILA, Philippines - Ipinakita agad nina da­ting double world champion Ronnie Alcano, Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza ang kani-kanilang tikas matapos dominahin ang kanilang kalaban at ma­init na simulan ang kam­panya ng bansa sa Etisalat World 8-Ball Pool Championship sa Fujairah Tennis Club sa Fujairah, UAE nitong Lunes.

Ginapi ni Alcano si Radoslaw Babica ng Poland, 8-1, at isaayos ang kani­lang second round duel ng local bet na si Mohammed Hosani sa Group I, matapos manalo kay John Mora ng Canada, 8-7.

Sa kabilang banda, pinayukod ni Orcollo ang kababayang si Oliver Medanilla, 8-2 na natakda ng kanilang pagkikita ni Corteza sa Group 4.

Nasilat ni Corteza si Majid Sultan, 8-5.

Pawang nagsipagwagi naman sina Raymund Fa­raon, Joven Alba, Anto­nio Gabica at Ruben Bautista sa kanilang mga kalaban.

Hiniya ni Faraon si Lee Chenman ng Hong Kong, 8-4, sa Group 1; binokya ni Alba si Ali Nasih, 8-0, sa Group 2; sinargo ni Gabica si Mateusz Sniegocki ng Poland, 8-4, sa Group 8 at nanaig si Bautista kay Ma­gid Al Azmi, 8-5, sa Group 8.

AL AZMI

ALI NASIH

BALL POOL CHAMPIONSHIP

CORTEZA

DENNIS ORCOLLO

ETISALAT WORLD

FUJAIRAH TENNIS CLUB

GABICA

GROUP I

HONG KONG

JOHN MORA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with