^

PSN Palaro

Patrombon minalas sa Japan Open, 2nd lang

-

MANILA, Philippines - Minalas na natapilok si Jeson Patrombon upang maapektuhan ang ipinakitang laro laban kay Japanese qualifier Rikuto Furuta para isuko ang 6-2, 6-2, sa Dunlop Japan Open Junior Championships 2010 Finals ka­hapon sa carpet courts sa Nagoya, Japan.

Natapilok si Patrombon nang tangkain na habulin ang malakas na return na ginawa ni Furuta sa unang mga tagpo sa first set.

May benda rin ang kanang sakong nang matapilok din sa laro sa quarterfinals, kinapitalisa agad ng manlalaro ng host country ang sitwasyon para sa kanyang pabor upang makuha ang panalo at ang titulo sa torneo.

Bigo man ay taas-noo naman nilisan ng 17-anyos, fifth seed sa torneo, ang court dahil lalabas din siya bi­lang kauna-unahang Filipino netter na umabante sa Finals.

Narating ni Patrombon ang huling yugto nang ta­lunin nito sa semifinals si Korean Lee Jae Moon ng Ko­rea, 6-3, 6-3, habang si Furuta, na pinagpahinga ang second seed na si Ben McLachlan ng New Zealand sa quarterfinals, ay nanalo sa kababayang si Hikaru Oshiro, 6-3, 3-6, 6-3.

Ito ang ikaanim na Grade I event na sinalihan na ni Patrombon sa taong ito at nabura niya ang dating pi­na­kamagandang pagtatapos na nangyari sa Thailand at Malaysia nang makapasok ito sa semifinals.

Nakapasok din si Patrombon sa semifinals sa boys doubles nang ang tambalan nila ni Jarryd Chaplin ng Aus­tralia ay nanalo kina Lee at Eisuke Watanuki ng Japan, 7-6 (1), 7-6 (5).        

Pero nagkaroon ng injury si Chaplin sa nasabing la­ban dahilan upang hindi na makayanang makalaro sa semifinals kontra sa top seeds na sina Ben Wagland ng Australia at John Morrissey ng Ireland para ma-de­fault.

Ang magandang ipinakita ni Patrombon ay tiyak namang makakatulong upang tumaas ito sa kasaluku­yang 69th ranking sa mundo. Nakalikom ng 100 puntos si Patrombon sa pagkapasok sa Finals at inaasahang uusad ito sa Top 40 sa juniors.

 Kailangan na lamang na mapanatili pa nito ang kinalulugaran upang maimbitahan sa 1st Youth Olympic Games sa Singapore sa Agosto na katatampukan ng paglalaro ng top 50 junior players matapos ang buwan ng Mayo. (Angeline Tan)

ANGELINE TAN

BEN WAGLAND

DUNLOP JAPAN OPEN JUNIOR CHAMPIONSHIPS

EISUKE WATANUKI

FURUTA

GRADE I

HIKARU OSHIRO

PATROMBON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with