Bronze lang sa RP jins

MANILA, Philippines - Sumikwat ang Philippines ng bronze medal sa cadet girls’ team foil para sa unang medalya ng bansa sa Asian Cadet at Junior Fencing Championship sa Philsports Arena sa Pasig City.

Tinalo ng team nina Ka­ren Pangilinan, Justine Gail Tinio at Andrea Pangilinan ang Australian team nina Catherine Tierney, Emily Ma­rotta at Lishan Sung, 45-34, upang makapasok sa semifinals at maseguro sa host nation ang hindi ba­baba sa bronze medal.

Gayunpaman, yumuko ang troika sa malakas na troika nina Yuki Yasuda, Ri­sa Kawamura, Fuko Ta­ka­hashi at Kaho Nagase at lasapin ang 22-45 ka­biguan sa 10-day meet na ito na inorganisa ng Fen­cing Confederation of Asia sa pa­mumuno ni Celso Dayrit at ng Philippine Fencing As­sociation at suportado ng Philippine Sports Commission chairman Harry Angping.

Isinunod na biktima ng Japanese ang Hong Kong na binubuo nina Cheng Hiu Lam, Cheng Hiu Wai at Ho Kelly Long Sze na kanilang pinayuko sa iskor na 34-25 sa finals.

Show comments