^

PSN Palaro

Team Clottey napagtripan si Pacman

-

DALLAS - Tila mara­ming nainom na alak ang miyembro ng Team Clottey para bastusin si Manny Pacquiao.

“Manny’s going straight to the hospital after the fight,” wika ni Kwaku Gyamfi sa kanyang pakikipag-usap sa mga Pinoy scribes sa Silver Bar ng Gaylord Texan Hotel kagabi.

Si Gyamfi, ang chief cook ni Joshua Clottey, ay sinasabing halos buong araw na umiinom sa naturang bar kaharap ang vodka mix.

“Manny will be all cut up and bruised. It’s gonna be messy,” wika ni Kwaku sa matitikman ni Pacquiao sa pakikipagsagupa kay Clottey. “He’s going to be hit by a brick.”

Naglista na si Pacquiao, halos 8-1 favorite para talunin si Clottey sa Cowboys Stadium sa Linggo ng mga paborito niyang kanta para sa nakatakdang party-concert sa Gold Club ng Texas Rangers ballpark matapos ang laban.

Naging tradisyon na para kay Pacquiao na bigyan ng kasiyahan ang kanyang mga fan matapos ang isang laban.

“He won’t be able to perform after the fight. For the first time he won’t be able to perform,” pangungutya ni Kwaku kay “Pacman”.

Sa labas naman ng bar makikita ang chief trainer ni Clottey na si Lenny de Je­sus.

“It’s going to be tough. It’s going to be interesting,” wika nito. “And this is a dangerous fight for Manny. You can tell it because Freddie is not talking too much. If he knew this is going to be an easy fight, he would be talking a lot more. But he’s being careful with what he’s saying.”

Ang 64-anyos na si De Jesus ay nagsilbing cutman ni Pacquiao sa limang laban nito mula kay Emmanuel Lucero noong 2003 hanggang kay Erik Morales noong 2005.

Sinabi ni De Jesus na nagtala si Clottey ng 90 rounds ng sparring kumpara sa 142 ni Pacquiao.

“It’s because Joshua sent all of them out of the ring after four rounds,” sabi ni De Jesus. (Abac Cordero)

ABAC CORDERO

CLOTTEY

COWBOYS STADIUM

DE JESUS

EMMANUEL LUCERO

ERIK MORALES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with