Amit humabol sa last 24

MANILA, Philippines - Nakapasok si Rubilen Amit sa last 24 ng 2010 Amway WPA Women’s World 9-Ball Open nitong Miyerkules sa Core Pacific Living Mall Hotel sa Taipei, Taiwan.

 Ito’y matapos na ang 27-anyos mula sa Mandaue City, Cebu, ay tumapos ng 3-2 win-loss record sa Group E stage match sa an­nual event na ito na may alok na $20,000sa magka-kampeon.

Tinalo ni Amit ang kalabang sina Maureen Seto ng Canada (7-1) at Kynthios Orfanidis ng Netherlands sa unang dalawang laban bago yumuko kay Yuan Chun- Lin ng Chinese-Taipei (5-7) sa third match.

 Nakasikwat ng puwesto si Amit sa last 24 makaraang igupo si P. C. Lin ng Chi­nese-Taipei (7-2) sa kanyang ikaapat na laban fourth match. 

Show comments