^

PSN Palaro

Pukpukan ang laban, pero kay Pacman ang panalo - Chavez

- Abac Cordero -

HOLLYWOOD --Tahimik siyang nanood sa isang sulok at pinanood ang bawat galaw ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng boxing ring.

At nang ito ay matapos, bago lumabas ng Wild Card Gym ay personal na pinuntahan ni Julio Cesar Chavez Jr. ang Filipino boxer na itinuturing niyang ‘pound-for-pound’ champion.

“I think Manny is a great boxer. He has the talent and he’s the best of the best in the world right now,” wika ng 24-anyos na anak ng maalamat na si boxing champion Julio Cesar Chavez Sr.

Dinalaw ni Chavez, may matayog na 42-0-0 win-loss draw ring record, si Pacquiao upang obser­bahan ang ginagawa nitong paghahanda para sa kanyang laban kay Jo­shua Clottey ng Ghana sa Marso 14 (Manila time) sa Cowboys Stadium sa Ar­lington,Texas.

Kasama ang isang kaibigan, napansin ni Chavez na tila hindi napapagod sa kanyang halos dalawang oras na ensayo ang 31-an­yos na si Pacquiao.

“He’s just enjoying it. Look at him,” ani Chavez, ang undefeated light-middleweight champion, sa kanyang kasamang kaibigan.

Sa panayam ng ilang Pinoy scribes, ibinigay ni Cha­vez ang kanyang opinyon ukol sa upakan nina Pacquiao at Clottey, sinasabing mas matatag pa kay Miguel Cotto.

“It’s gonna be a hard fight because Clottey is a good fighter, too. But I think Manny is gonna win the fight by decision,” wika ni Chavez sa pambato ng Ghana.

Si Chavez, mas ma­ta­as at mas mabigat kay Pacquiao, ay isang poten­syal na makakabangga ni “Pacman” sakaling umak­yat ang Filipino boxing icon sa light middleweight class.

Ngunit tinawanan lamang ni Chavez ang po­si­­bi­lidad na magkrus ang ka­nilang mga landas ni Pac­quiao. “I don’t know yet. I don’t know,” wika nito. “May­be one day.”

BUT I

CHAVEZ

CLOTTEY

COWBOYS STADIUM

JULIO CESAR CHAVEZ JR.

JULIO CESAR CHAVEZ SR.

MIGUEL COTTO

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with