^

PSN Palaro

Stage 5 kay Martinez naman

-

MANILA, Philippines - Sinamantala ni Tomas Martinez ang pagkagamay nito sa rutang ginamit para mapagha­rian ang Stage 5 ng 2010 Liquefied Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) Tour of Luzon kahapon sa San Jose, Tarlac.

Nagtapos ang karera sa Tarlac Monastery at si Martinez ng Smart ay nakapagtala ng tatlong oras, anim na minuto at 11.61 se­gundo para madomina ang ka­rerang sinimulan sa Clark, Pampanga at may kabuuang 145-kilometro distansya.

“Matagal na akong nagsa­sanay sa mga bundok na ito ka­ya alam ko ang daanan. Ma­hirap dito pero nasanay na din ako,’ wika ni Martinez.

Pumangalawa ang EMG Cycling team member na si De­nis Von Nickalk na kinapos ng 12.43 segundo kay Martinez habang si Arnel Quirimit ng Li­quigaz (50.18), Kelly Benefit ng Reid Mumford (1:02.78), Cris Joven (1:27.3) at Tots Odedan (1:33.27) ng American Vinyl at Daniel Asto (1:33.27) at Alfredo Asuncion (1:38.33) ng Batang Tagaytay ang kumumpleto sa unang 10 puwesto.

Ang magandang pagtatapos ni Mumford ay nakatulong naman upang masikwat niya ang overall lead mula kay Ryan Anderson ng Kelly Benefits sa pakarerang handog ng LPGMA, Liquigaz, GeoEstate Beacon, Burlington, Energizer at Schick sa nakuha ng siyam na oras, da­lawang minuto at 44.53 segundo.

Si David Veilleux ng Kelly Benefits ang nasa ikalawang pu­­westo ngayon kapos ng 9.54 segundo habang si Nickalk ang umangat sa ikatlong puwesto (19.37). Si Santy Barnachea ay umakyat din sa pang-apat na puwesto (2:05.02).

vuukle comment

ALFREDO ASUNCION

AMERICAN VINYL

ARNEL QUIRIMIT

BATANG TAGAYTAY

CRIS JOVEN

DANIEL ASTO

KELLY BENEFIT

KELLY BENEFITS

LIQUEFIED PETROLEUM GAS MARKETERS ASSOCIATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with